^

Pang Movies

Sen. Bong maganda ang aura nang isuko ang sarili sa Sandiganbayan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi iniwanan si Senator Bong Revilla, Jr. ng asawang si Cong. Lani Mercado at mga anak sa pamumuno ni Vice Gov. Jolo Revilla, Bryan at iba pa, kasama ang kaibigang Philip Salvador, habang nasa Crame kahapon upang sumailalim sa booking process para sa kasong plunder na isinampa sa kanya sa Sandiganbayan.

Si Sen. Revilla ang una sa tatlong senador na inaresto, pero bago ares­tuhin personal na siyang pumunta sa Sandiganbayan upang isu­mi­te ang sarili. Kumpara sa emosyonal niyang mukha nu’ng Huwebes ng gabi sa bahay nila sa Cavite, ayon sa reports at sa nakita namin sa TV, mas relaks na ang aura ng senador.

Natupad naman ang petisyon ng lawyer ni Sen. Bong na sa Camp Crame ma-detain ang senador. Pero sa isang report, nagpahayag na si Senator Jinggoy Estrada na wish niyang magkaroon ng cable TV sa detention center niya upang makapanood siya ng teleserye.

Ang pag-aresto kay Sen. Jinggoy at Sen. Juan Ponce Enrile naman ang aabangan ng publiko next week dahil wala pang warrant of arrest na inisyu sa kanila ang dibisyon ng korte na may hawak ng kaso nila.

Chynna HANDANG ma-in love sa bading!

Marunong kumilatis si Chynna Ortaleza kung bading ang isang lalaki. Pero kahit tunay na lalaki ang huling boyfriend na si Railey Valeroso, posible rin daw na magkagusto siya sa isang bading.

 â€œMarami akong kaibigang beki. Meron nga akong gaydar. Bongga!

 â€œPuwede naman akong ma-in love. Diyos ko, sa panahon ngayon na iba na? Open na open ako sa ganyang bagay. Kumbaga, kung sino ang mapipili ko, kung sino ka mapu-fall in love na tao.

 â€œAng importante roon ay mahal ninyo ang isa’t isa. Go ako diyan! Push! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Chynna na hindi raw maldita ang role sa GMA afternoon series na Dading.

Aktres nakitikim lang Lauren walang balak agawin si Richard kay Sarah

Hindi itsinika ni Lauren Young sa kaibigang si Sarah Lahbati na magkakaroon sila ng mainit na love scene sa movie nilang Overtime. After Sarah, siya naman ang “nakatikim” kay Chard, huh!

“May ganoon? Ha! Ha! Ha! It’s awkward naman na…We’re very good friends ni Sarah even before sila pa ni Richard.

 â€œSaka we both understand naman the concept in work. I think, because we’re friends nga, we trust each other.

“And may trust naman kami na…Alam naming pareho na, ‘Okey, gagawin ko lang ito for work!’ But not because I’m a bad friend!” rason ni Lauren nang makausap ng writers sa presscon ng movie.

Pinag-usapan ba nila ni Sarah na meron silang kissing at love scene ni Chard?

“Actually, hindi namin pinag-usapan. Sila na ‘yon! Ha! Ha! Ha!” diin pa ng young actress.

Julia naimpluwensiyahan ni Enrique na mag-diet

Inimpluwensiyahan ni Enrique Gil ang ka-love team sa Mirabella na si Julia Barretto upang mag-diet. Tuwing lunch or dinner break nila sa taping, napapansin ng young actress na corned tuna with biscuit ang kinakain ng aktor.

“There are times kasi na nakikita ko sa screen na mas malaki ang mukha ko kesa sa kanya! Ha! Ha! Ha! Kaya naman nang sabihin niyang gayahin ko ang style ng diet niya, hayun, every taping, I have to try what he does tuwing taping at masarap siya!” chika ni Julia habang sinu-shoot ang commercial nila ni Enrique na San Marino Corned Tuna.

Noon pa sinubok ni Quen ( tawag kay Enrique) ang nasa­bing corned tuna nu’ng bata-bata at bago sumali sa contest na Bachelor’s Bash, ‘yun na ang brand ng kinakain niya bilang bahagi ng kanyang diet. Eh sa panig naman ni Julia, mahilig siya sa junk foods bago siya hinimok ni Quen na kumain ng nasabing corned tuna, huh!

 

vuukle comment

AFTER SARAH

BONG REVILLA

CAMP CRAME

CHYNNA

CHYNNA ORTALEZA

ENRIQUE

JULIA

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with