Boots sinuwerte dahil sa kabaitan

Best wishes sa bagong kasal na sina Madam Boots Anson Roa and Atty. King Rodrigo. Isa sa mga showbiz female star si Boots na hinangaan ko noon at sinubaybayan hanggang mabiyuda siya. Kasi, napaka-tahimik ng buhay may asawa nila ng dating TV host na si Pete Roa. Tapos ang mga anak nila ay pawang mababait at hindi naging sakit ng ulo. Kaya siya pinagpala ng Diyos na makatagpo ng lalaking magmamahal at mag-aalaga sa kanya habang nabubuhay, “Till death do us part,” wika nga. Eh si Atty. King, knows namin na isang mabait na tao, maka-Diyos at galing sa pamilya ng mga edukado. Hanggang ngayon, gwapo pa rin siya.

Baby Zion sikat na sikat na!

Super cute talaga nitong si Baby Zion, ang baby nila Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Siya na nga ang maituturing na little superstar sa showbiz ngayon. Aba, mapa-TV, tabloid, broadsheet, radio, PR, chikahan sa sulok-sulok ay pinag-uusapan ang bagets at parang may isip na. Gandang bata! At feel ko na makausap siya paglaki niya. Sabi nga raw ‘yung bibig at baba ang nakuha kay Annabelle Rama. At take note, dahil kay Baby Zion ay lalo pang naging popular ang kanyang tatay at nanay.

Ipagdasal natin sina Sen. Bong, Jinggoy, at Enrile

Why not! Ilang trycicle driver ng Golden City dito sa amin sa Sta. Rosa, Laguna ang nagtanong kung dadalawin ko raw sina Senator Jinggoy, Bong at Enrile if ever na sila ay makulong dahil sa kasong ibinibintang sa kanila. Mga kaibigan ko sila at ipinagdarasal ko nga na malampasan nila ang pagsubok na ito. Kahit si Sen. Enrile na kahit hindi kami friends ay kasama sa aking panalangin dahil magkakasama sila sa kulungan. Ipagdarasal ko na iadya siya sa anumang sakit. God is good, alam kong hindi niya tayo pababayaan. Hindi kayo nag-iisa.

Show comments