Dahil sa isang simpleng post lang ng Happy Father’s Day ni Gretchen Barretto last Sunday, inatake na agad ng bashers. Wala namang particular na inilagay si Gretchen dahil parang kay Toni Boy lang ang greetings na dinugtungan na lang ng comment ng isang fan na Happy Father’s Day in the world.
Pero for sure kasama na sa wish ni Ms. Gretchen na mabati ang kanyang daddy kahit paano. May problema sila ng ama, at hindi niya puwedeng batiin ito
Hindi naman pinatulan ni Gretchen ang pambabatos ng isang basher, kundi ang ibang netizen ang nagtanggol sa kanya.
Kabaligtaran naman ang inilagay ni Claudine sa kanyang IG dahil yung picture na super yakap niya ang kanyang daddy with caption na “my DAD my HERO! i cannot imagine Life without u & Mom.thanks 4 everything Dad.Happy Pops Day!:).â€
Pero kahit magkaiba ang pagbati sa kanilang ama, hindi rin nakalusot sa bashers si Claudine.
Rannie todo alalay pa rin kay Lance
Hindi rin pinalampas ng bashers si Lance Raymundo na naaksidente na nga, pero ipinalalabas pang gimik lang daw ang nangyari sa kapatid ni Rannie Raymundo.
Kaya naman lalong wasak na wasak ang kalooban ng Kuya ni Lance na si Rannie sa mga negative na comment na gumigimik lang ang kanyang kapatid.
Mula pagkabata at hanggang ngayon ay super alalay si Rannie kay Lance at kinukuwento niyang never pa raw silang nag-away ng kapatid niya kahit minsan.
Sobrang kuya raw siya kung makaalalay at sumusuporta kay Lance kahit noong bata pa sila. Nawala ang kanyang pagiging superman nang maaksidente at makitang basag ang mukha at bumaon ang bakal sa mukha nito. Naawa siya habang inaahitan niya ng balbas at bigote si Lance na parang bata dahil hindi pa ito makagalaw nung mag-stay ito sa ospital nang matagal.
Naniniwala rin si Rannie na lalong gagaling na character actor si Lance particular na sa ginagawa nitong indie film. Bilib din siya sa magandang pananaw ng kapatid, lalo na’t pinatawad ni Lance ang trainor nito.
Samantala tuloy pa rin ang suporta ni Rannie sa lahat ng mga musicians sa kanyang restaurant bar na Primos sa Greenfield District Edsa Central. One week kung mag-enjoy ang mga parokyano na dumarayo sa bar dahil maraming artists ang nakiki-jamming sa kanila lalo na tuwing Monday night na may libreng tumutugtog sa bar.