MANILA, Philippines - Isa si GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon sa mga pinarangalan sa 21st Ulirang Ama Awards na ginanap sa Manila Hotel noong Father’s Day, Hunyo 15, 2014.
Ang award ay kumikilala sa mga natatanging ama na nagpapakita ng kahusayan sa kanilang mga propesyonal at personal na buhay bilang pinuno ng kanilang pamilya. Ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng National Mother’s Day and Father’s Day Foundation, Inc. sa pangunguna ng pangulo nito na si Mr. Wilfredo M. Talag.
Ang Chairperson ng Awards Committee ay ang dating Supreme Court Justice Angelina Sandoval Gutierrez.
“Ang ama is an important pillar of the family kaya they have to serve as the example to their children,†ipinahayag ni Gozon. “Ang pinakamagaling na paraan ng pagtuturo is to serve as an example.â€
Sa ngalan ng ibang mga honorees, nagbigay si Gozon ng mensahe tungkol sa mga responsibilidad ng isang ama at ang tungkuling ginagampanan nito sa paghubog ng mga kaugalian at tradisyon sa pamilya.
“I have come to realize that if there is one job that challenges every parent even beyond his lifetime, it is being a father,†sabi niya. “We, fathers, pass on more than our names and our genes and even our properties to our children. More importantly, we pass on values and family traditions that one day, consciously or unconsciously, will be passed on to future generations.â€
Tinalakay din ni Gozon ang importansya ng pagpapatatag ng samahan ng isang pamilya. “We travel. We laugh. We cry. We study. We plan. Together,†ibinahagi niya. “Yes, we also argue and fight. But of course, we love each other through our many successes and trials and failures and that is what strengthens our bond.â€
Nagtapos siya sa pamamagitan ng isang adhikain para sa lahat ng mga ama, “That we all leave a better world for our children. And when their time comes, they will also do the same.â€
Kabilang sa mga Ulirang Ama awardees noong umagang iyon ay ang dating GMA Network President Menardo R. Jimenez, House Speaker Sonny Belmonte, DOTC Secretary Jun Abaya, University of the Philippines President Alfredo Pascual, at ang mga Court of Appeals Justice na sina Elihu A. Ybañez at Francisco P. Acosta.