Richard kakaiba ang ginawa sa overtime

Tinanong si Richard Gutierrez kung kailan sila pakakasal ng girlfriend na si Sarah Lahbati.

“One at a time muna. Naka-focus kami ngayon sa aming anak na si Baby Zion pero darating ‘yun,” aniya.

Sakaling magpakasal sila pangarap ni Richard na winter wedding na idaraos sa ibang bansa.

May pelikula ngayon ang actor titled Overtime ng GMA Films na malapit nang ipalabas. Leading lady niya si Lauren Young kung saan first time silang magkakasama sa pelikula. Bida-kontrabida sa movie si Richard.

Kumusta namang katrabaho si Lauren?

 â€œShe’s passionate and we are comfortable with each other. Kilala na namin ang isa’t isa,” sey pa ni Richard.

Malapit nang ipalabas ang Overtime sa direksyon ni Earl Ignacio at Wincy Ong. Kasama pa rin sa said movie sina Mitch Valdez, Bearwin Meily, Roadfill, Renz Valerio, at Roi Vinzon.

Palabas na ito sa July 2 in theaters nationwide.

Mike natuto nang umarte

Naiintriga noon si Mike Tan na bopol siyang umarte. Pero sa pagdaan ng panahon ay nag-improve naman siya. Sa Kambal Sirena ay nailarawan ni Mike ang iba’t ibang emosyon bilang nobyo ni Allona na isang sirena. Kaya naman hindi nawawalan ng proyekto ang aktor dahil nakitaan na siya nang kakaibang galing.

Lauren, may papang bakla

Guest si Lauren Young sa pagsasadula ng Love Hotline kung saan nagdududa ito sa pagkalalaki ng kanyang boyfriend na isa palang bakla. Kasi nga naman three years na ang relasyon nila pero wala pang nangyayari kahit siya na ang nagbibigay ng motibo. Kapag nangyari ito sa tunay na buhay ‘di alam ni Lauren ang gagawin niya.  Bibigyang kasagutan ito ni Jean Garcia at love expert na si May Soriano na mapapanood ngayong Biyernes, 4:15 ng hapon.

Show comments