^

Pang Movies

Parang sakdal-linis kung magsalita Aktres na laos na laos nakikisawsaw sa away ng showbiz couple

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakakadiri ang isang laos na aktres na nakikisali sa away ng showbiz couple. Kung magsalita ang laos na aktres, akala mo sakdal-linis pero sa totoo lang, kung ano ang mga lumalabas mula sa kanyang bibig, ‘yon ang personalidad niya.

Actually, wala nang kredibilidad ang laos na aktres. Hindi na sineseryoso ng mga tao ang kanyang mga pralala. At dahil wala nang pumapansin sa kanya, nakikisawsaw na lang siya sa problema ng ibang mga tao. So pathetic siya.

Child actress na si Mona Louise Rey nakakayang maging normal ang buhay kahit may diabetes

Bilib ako sa child star na si Mona Louise Rey na may diabetes pero normal na normal ang pamumuhay.

Iba yata talaga kapag mga bata ang may sakit. Hindi nila masyadong iniinda ang mga nararamdaman at very positive pa rin ang mga pananaw nila sa buhay.

Mapapanood si Mona Louise Rey sa My BFF, ang teleserye nila ni Jillian Ward na magsisimula sa  June 30.

Matalik na magkaibigan ang mga role ng dalawa sa My BFF pero hindi sila close sa tunay na buhay. Kung bakit, ask n’yo na lang ang kanilang mga nanay.

Basta ang masasabi ko, sina Mona Louise at Jillian ang mga future star ng GMA 7 dahil talented sila. Hindi ako magugulat kung sila ang maging magkaribal sa bakuran ng GMA kapag nagdalaga na sila.

Wish ko lang na tapusin nina Jillian at Mona Louise ang pag-aaral  dahil hindi naman stable ang showbiz. Iba pa rin kapag nakakatapos ng pag-aaral ang mga tao, lalo na ang mga artista.

Anak ni AiAi ayaw nang umuwi ng ‘Pinas

Naririto sa Pilipinas ang anak ni AiAi delas Alas na si Sophia. Nagbabakasyon lang sa bansa si Sophia dahil sem break sa Amerika pero babalik din siya sa California.

Nawili na si Sophia sa US. Ayaw na niya na manirahan sa Pilipinas. I’m sure, may nagpapatibok na rin sa puso ng one and only daughter ni AiAi kaya wala sa kanyang plano na bumalik sa Pilipinas.

Nagtapos ng high school si Sophia sa US. Hindi na nakasipot si AiAi sa graduation ng anak dahil hindi niya maiwanan ang taping ng Dyesebel.

Rico Yan idinadawit sa away nila Raymart

Nakakalungkot ang nangyayari sa problema ng soon to be ex-couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago na mu­ling nagkita sa korte ng Marikina City noong Martes.

Sumiklab na naman ang galit ni Claudine kay Raymart dahil sa mga TV interview nito.

 Tinawag ni Claudine na “loser “ ang ama ng kanyang mga anak. Pati ang kanyang mga ex-boyfriend na sina Mark Anthony Fernandez at Rico Yan, nababanggit sa word war nila ni Raymart. Matagal nang nagpapahinga si Rico at sana, huwag nang idamay pa ang pangalan niya sa personal na away nina Raymart at Claudine.

Sen. Bong at Sen. Jinggoy kusang susuko sa Camp Crame

May gentleman’s agreement sina Senator Bong Revilla, Jr., Senator Jinggoy Estrada at si  CIDG Chief Police Director Benjamin Magalong.

Si Magalong at ang kanyang mga tauhan ang  darakip kina Bong at Jinggoy  kapag inilabas na ang mga warrant of arrest para sa plunder case na ibinibintang sa dalawa.

Nagkasundo ang tatlo na kusang loob na pupunta sa Camp Crame sina Bong at Jinggoy para sumuko. Hindi na kailangan na puntahan pa sila ng mga pulis sa kanilang mga bahay para dakpin.

Kung kusa sila na susuko sa PNP, maiiwasan ang media circus at hindi makakaranas ng trauma ang mga maliliit na  anak nina Bong at Jinggoy.

 

CAMP CRAME

CLAUDINE

JINGGOY

MONA LOUISE REY

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with