Nag-deny si Cherie Gil na nagkaroon siya ng problema sa staff o sa kung ano mang bagay na may kinalaman sa isang serye na kanyang ginawa recently. Pero hindi mo naman mabobola ang audience eh, kasi more or less alam nila what to expect sa isang kuwento, at halata kung biglang nawala o inaalis sa kuwento ang isang character.
Nauna rito, sumingaw na ang tsismis na nagkaroon ng problema si Cherie. Nag-react din siya sa sinabi ng isa sa staff ng show na siya ang problema, dahil nagbakasyon na nga siya at pinayagan naman siya, tapos minsan dumating siya sa set at gusto niya unahin lahat ng mga eksena niya dahil may lakad pa siya. Of course, ipinagtanggol ni Cherie ang kanyang sarili at sinabing kasinungalingan lahat iyon.
Marami talagang itinatago na lumalabas dahil sa kadaldalan din ng mga tao, lalo na ngayong nauuso ang chat sa social networking sites. May nag-post, bagama’t hindi nga binanggit ang pangalan ni Cherie, sinabi niya na tumulong pa siya para mabago ang kuwento at mapatay na lang ang kanyang character sa seryeng iyon na dinugtungan pa ng comment na “iba itoâ€.
Sinabi ni Cherie na hindi naman ganoon, dahil ok naman ang relasyon niya sa staff, pero obvious na iba ang kumakalat sa ilalim kaysa sa kanilang sinasabi. Natural lang na hindi magsalita ng kahit na anong negative si Cherie sa mga bagay na makakasira ng kanyang relasyon sa network, dahil siyempre umaasa pa siyang may makukuha pa ring trabaho roon after some time.
Binigyan din naman siya ng farewell party at lumabas namang maayos ang lahat.
Pero bakit naman may ibang sinasabi ang ibang tao.
Boots at Atty. King pinuri sa simpleng kasalan
May nag-private message sa amin na pinupuri ang naging kasal ng aktres na si Boots Anson Roa at abogadong si King Rodrigo. Kasi ang nakita raw ng publiko ay ang ginawa nilang pagpapakasal nang lehitimo sa simbahan na pinangunahan pa ng Arsobispo ng Maynila, Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ipinakita nila ang patanggap ng sakramento ng kasal, pero hinÂdi na nakita ang kanilang ginawang bongÂga ring reception. Mas pinili nilang maging simple at ang matanim sa isip ng tao ay ang kasal at hindi kung papaano sila gumastos ng pera para sa isang magarbong kasal.
Tama naman iyon, ang daming nagÂhihirap at nagugutom ngayon sa Pilipinas. Tapos ang nakikita nila ay ang pagwawaldas ng pera ng mga mayayaman.