Jake hindi namalayan ang away nina Cherie Gil at Coco Martin

Itinanggi ni Jake Cuenca ang tsikang nagkaroon ng misunderstanding sina Cherie Gil at Coco Martin sa Ikaw Lamang kaya tsinugi na ang karakter ng veteran actress.

Ayon kay Jake nang makausap namin last Friday sa National Make-over Day sponsored by HBC na ginanap sa Trinoma Mall Activity Center, ngayon lang daw niya narinig ang tsikang ito at hindi raw ito totoo.

“Wala, wala kaming. . .actually, ang magic ng Ikaw Lamang, lahat kami magkatugma, lahat kami, nasa parehong bangka kung baga. So, parang nagkakaisa ang lahat ng ideas namin.

“Never kaming nagkaroon ng problema within the cast. Siyempre, minsan mayroon kaming mga kaunting debate, pero sa ikagaganda ng show ‘yun.

“Kaya nakikita n’yong iba ‘yung Ikaw Lamang, kasi ipinaglalaban namin ang mga characters namin,” pahayag ni Jake.

Patuloy pa ng aktor, “in fact, last night, we had a farewell dinner for Miss Cherie Gil kasi ‘yun na nga, namatay siya sa show. Wala ka­ming problema. Actually, more than anything, emotional kaming lahat na aalis na si Miss Cherie Gil sa soap,” he said.

Bakit pinatay ang karakter ni Cherie?

“Graduation ng anak niya sa States,” paliwanag ng aktor. “Matagal nang usapan na hanggang doon lang talaga ang pwede niyang i-taping. Eh hindi namin na-foresee na mae-extend ang show, na hahaba.

“Siyempre, priority ni Miss Cherie ang mga anak niya which is very admirable. Kung ako man ang may anak, tingin ko uunahin ko naman ‘yun more than work.”

Masayang-masaya si Jake sa sobrang tagumpay na inaani ng Ikaw Lamang at gustung-gusto raw niya ang kanyang karakter bilang kontrabidang si Franco.

Ngayong gising na nga raw ang karakter niya, mas lalo raw kaabang-abang ang mga gagawin niya dahil mas lalo siyang magiging malupit at mas magiging masama.

Samantala, bukod sa career, happy rin si Jake sa kanyang love life sa bagong girlfriend na si Chanel. Aniya ay nagpapasalamat siya sa pagdating nito sa kanyang buhay and he’s praying na for keeps na ang kanilang relasyon.

Samantala, bukod kay Jake ay dumalo rin sa HBC National Make-over Day sina Gerald Anderson, Arron Villaflor, Joseph Marco, Shamcey Supsup, Phoemella Berranda, and Kristine Hermosa.

Gerald ayaw na uling makatrabaho si Maja

Nakausap din namin si Gerald Anderson sa nasabing event na masayang-masaya rin naman sa success ng kanyang Dyesebel kasama si Anne Curtis and Sam Milby.

Tatlong linggo na lang at matatapos na ang fantaserye nila at ani Gerald, kahit araw-araw ang taping ay sulit na sulit naman ang lahat ng pagod at puyat nila dahil nga sa pa­tuloy itong nakakakuha ng mataas na ratings gabi-gabi.

Napapanood ba naman niya ang husay ng girlfriend na si Maja Salvador sa The Legal Wife?

 â€œNakakapanood ako pag minsan. Madalas akong nasa taping pero minsan, nakikita ko. Magaling, magaling. Lahat sila, magaling doon,” he said.

Paano nila hina-handle ang mga haters ni Maja dahil sa kanyang karakter sa The Legal Wife?

Natawa si Gerald. “Ah, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya. Effective siya and andu’n ‘yung mga haters and bashers pero mas marami ang nagpi-praise sa kanya, sa performance niya,” he said.

Open ba siya na makatrabaho si Maja if ever?

“Ah, as much as possible, siyempre ina-avoid ko, kasi gusto ko, (personal) ang personal life ko. We took that opportunity, kasi naging kami dahil ‘yun. . . so, medyo nagsara na ang pintuan na ‘yun. But hindi natin alam,” say ng Dyesebel actor.

Show comments