MANILA, Philippines - Hanggang ngayon ay mainit na pinag-uusapan pa rin ang Vhong Navarro versus Deniece Cornejo issue. At habang nakakulong ang dalaga ay patuloy pa ring dinidinig ang kaso laban kina Cedric Lee at dalawa pang akusado sa kasong serious illegal detention na isinampa sa kanila ng aktor at TV host na si Vhong.
Sa Facebook account ng journalist na si Tony Calvento ay ibinahagi nito ang ginawang letter ni Deniece para kay President Benigno Aquino na nag-celebrate ng kanyang 23rd birthday inside the jail last June 1.
“I’m still an innocent person, even as I have been charged of serious illegal detention, as guaranteed by our Constitution.
“I feel I’m entitled to marking these important youthful dates of my life with my family, friends, and relatives who came all the way from America and provinces especially that I’m experiencing difficult times.
“With all due respect I didn’t asked (sic) for any special treatment or privilege. (All that I wanted was to hold a Sunday worship and thanksgiving since its (sic) Sunday and its (sic) family day,†ayon pa sa sulat ni Deniece.
Sa nasabing selebrasyon ay nag-imbita ang dalaga ng Pastor sa kanyang Christian ministry na kinabibilangan, to spread the Word of God at para sa spiritual enrichment of our lives.
Nakasaad din sa sulat na wala na raw siyang kontrol sa mga bisita at ibang well-wishers, na mayroong mga dalang pagkain at balloons sa kanyang selda na nasa Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) of the PNP-Criminal Investigation and Detection Group ng Camp Crame sa Quezon City.
“I’m aware of my limitations and in fact I did not leave the premises of the CIDG,†dagdag pa nito.
Ayon pa sa report, mahigit 20 katao raw ang guest ni Deniece kabilang ang kanyang pamilya at mga kamag-anak sa loob ng PNP-CIDG’s ATCU office.
Kabilang pa rito ang modelo na si Roxanne Cabañero, na gaya ni Deniece ay nag-aakusa rin kay Vhong na nang-rape sa kanya.
May mga balloons pa raw na may nakatatak na “We Love You Deniece.’
Ang sulat ay may pirma ni “Deniece Milinette Cornejo.â€
Hinihintay pa ang sagot ng Malacañang sa sulat na ito.