Ejay nawalan ng career nang ma-link kay Vice

MANILA, Philippines - Bakit bigla yatang nawala si Ejay Falcon sa sirkulasyon pagkatapos makasama noon sa concert abroad si Vice Ganda? Matagal din siyang walang project, dapat isabak si Ejay ngayon dahil may potential itong maging action star at hindi pulos kabaklaan lang na istorya.

BetonG pinaglaruan ni Maricel

Nakakapagod man ang pag-upo at pagtayo ni Betong sa Bubble Gang, kasama si Maricel Soriano, enjoy pa rin daw siya. Tagahanga pala siya ng naturang aktres. Marami ang pumuri sa set kay Betong, dahil nakaeksena niya si Maricel. wala siyang takot makipagsagutan dito. Kinompronta kasi siya dahil nilalait-lait nito ang mga gumaganap sa teleserye. Binubuking ang mga lihim ng mga artistang gumaganap.

Bidang-bida na nga si Betong. Nakaharap na niya ang mga batikang character actress tulad nina Celia Rodriguez, Jaclyn Jose at Odette Khan. Nasampal na siya ng mga ito, pero higit daw itong natakot kay Maricel dahil balitang malakas manampal.

Zsa Zsa malaki ang dapat ipagpasalamat kay Sharon

Malaking bagay ang nagawang pagpapakilala ni Megastar Sharon Cuneta kay Zsa Zsa Padilla sa boyfriend nitong si Conrad Onglao. Hindi akalaing hahantong pa yata sa altar ang pagkakilala ng dalawa. Halatang inlove si Zsa Zsa. Payag naman ang mga anak ng yumaong comedian na si Dolphy sa muling pag-ibig ni Zsa Zsa. Karapatan namang lumigaya ni Zsa Zsa habang bata pa.

Joem sasalang na sa bakbakan!

Matagal nang pangarap ni Joem Bascon na ma­ ging isang action star. Matutupad na ito sa pelikulang Bagong Dugo sa direksiyon ni Val Iglesia. Suwerte si Joem, barako ang nagdirek sa kanya sa isang action movie. Totoong suntok lalaki ang magiging laban niya at hindi umaarte lang.

Mga batikang aktor din ang susuporta sa kanya, sina Monsour del Rosario, Dick Israel, at iba pa. May ilang sexy scene si Joem, pero okey lang dahil matured na naman daw siya. Very religious si Joem na nadiskubre naming, noong makasama siya sa out of town taping, nagdarasal ito bago kumain.

Binibining Baliuag hindi kilala ng mga tao

Maligayang bati sa nanalong Binibining Baliuag 2014 na pinapurihan sa Baliuag Glorietta kamakailan. Si Victoria Bondoc ang itinanghal na Binibining Baliuag ngayong taon. Isinabay ang pagpuputong ng karangalan kay Miss Baliuag, noong ganapin ang Buntal Hat Festival sa Baliuag, Bulacan. May nagkokomento lang na sana raw bago ganapin ang pa-kontes, ipinarada muna sila sa Poblacion para makita at makilala ng mga kababayan. Ang nangyari kasi, sila lang at mga organizer ang nakakikilala sa naturang okasyon. 

                                               

 

Show comments