Finally, Kim at Echo nag-honeymoon na!

MANILA, Philippines - After almost a month, newlywed couple model Kim Jones and actor Jericho Rosales are now bound to Tokyo, Japan for their honeymoon. Pagkatapos kasi ng kanilang beach wedding sa Boracay noong May 1 ay sumabak muli sa trabaho si Jericho para sa taping ng teleseryeng The Legal Wife na ngayon nga ay nasa last two weeks of airing na.

Naintindihan naman ito ng kanyang asawang si Kim dahil commitment ito ng kanyang asawa bilang professional actor. Sa interview ng TV Patrol, sinabi ni Kim na ngayong tapos na ang taping ni Jericho ay maaari na nilang ituloy ang kanilang naudlot na honeymoon. “Actually, it’s their last taping day yesterday, I believe. So tomorrow, we leave for Tokyo and we’re going to have a little trip together.

“It’s one of first trips that we’ve had that doesn’t involve work, so it’s really just going to be a honeymoon. We’re doing to do a photo shoot for my blog. We’re just going to enjoy it,” sey ni Kim na isang Filipino-British model and TV host na lumaki sa Australia. Una silang nagkakilala ni Echo noong 2011 through the wife ni Dominic Ochoa. Naging magkarelasyon sila month of October that same year. Pero naging open lang ito sa publiko noong March 2012. Kuwento pa nito, plano raw nilang bisitahin ang mga sikat na lugar sa Japan. Posible rin daw na manood sila ng concert ng British rock band Coldplay.

Bukod pa nga raw sa kanilang travel sa Japan, looking forward din daw siya sa trips nila sa Europe at USA later this year. “We want to travel. We want to see the world together as a married couple. We just want to be together,” pagbabahagi pa ni Kim. Ipinaliwanag din ni Kim ang dahilan kung bakit ayaw na muna sana nilang mag-anak ni Echo kaagad. “A lot of people ask me, ‘Are you going to have a baby soon?’ No! Not anytime soon,” ang tanging sinasabi raw niya.

Umaasa raw sila ni Echo na magkaroon sana ng 3 hanggang 4 na mga anak. “We’re just going to pray about it. But not within the next three years, at least. I’m very firm!” Basta ang importante raw sa kanya ngayon ay alam na niyang mayroon na siyang lifetime partner na makakasama niya sa hirap at ginhawa ng kanyang buhay.                                                        

                                                                               

 

Show comments