Nadine babaguhin ang ugali ni James

Good news para sa mga fans nila James Reid at Nadine Lustre, na kung tawagin ay JaDine dahil may follow-up movie na nga ang dalawa pagkatapos ng box-office hit na Diary ng Panget: The Movie.

Muling magtatambal ang dalawa sa bagong romance-comedy-action sa ilalim ng Viva Films titled, Talk Back and You’re Dead.

Based sa isang best-selling teen novel ang Talk Back and You’re Dead na sinulat ni Alesana Marie para sa Wattpadd at ni-release ito bilang isang paperback ng PSICOM Publishing last year.

Kuwento ito nang isang sosyal at perfect student na si Samantha (played by Nadine) na mai-in love sa isang guwapong gang leader na si Timothy Odelle Pendleton o mas kilala as TOP (played by James).

Kapwa masaya sina James at Nadine dahil bukod sa magtatambal ulit sila after ng successful team-up nila sa Diary ng Panget, ibang-iba naman ang roles nila sa bago nilang pelikula.

 â€œVery different ang role ko rito as Sam kumpara kay Eya,” sey ni Nadine.

“Si Eya kasi in Diary ng Panget, mahiyain, maraming insecurities, at physically, hindi nga siya maganda. Dito sa Talk Back and You’re Dead, si Sam ay mayaman, maganda, perfect student, sosyal pero pipili siya ng guy who is out of her league.

“Kumbaga, ‘yun ang magiging flaw niya sa almost perfect na pagkatao niya ay ‘yung ma-in love siya sa isang gang leader.”

Sey naman ni James: “My role here as TOP is quite a big challenge again for me. Kung sa Diary ng Panget ay masungit at galit ako sa mundo, here in Talk Back and You’re Dead, mas bad boy siya.

 â€œThey will see me wearing leather jackets, riding on big motorbikes, and engaging in fights. He’s also a rich kid who’s just super bad until he meets Sam who kinda changes his world in a different way.”

Kahit may ilang action scenes na involved sa bagong pelikula ng JaDine love team, pinangako ng dalawa na hindi mawawala ang kilig factor na siyang nagustuhan ng kanilang mga fans.

Kumita ng higit na 120 million pesos sa box-office ang Diary ng Panget: The Movie. Dahil sa pheno­menal success ng JaDine love team, kinuha ulit ng Viva Films si Andoy Ranay para idirek ang dalawa.

Gab ayaw ipahiya ang mga magulang

Malaking pressure para kay Gab de Leon ang pasukin ang showbiz dahil alam niyang maikukum­­para siya sa kanyang sikat at award-winning parents na sina Christopher de Leon and Sandy Andolong.

Pero nagpapasalamat siya dahil very supportive ang kanyang mga parents at pinagkakatiwalaan siya sa lahat ng ginagawa niya.

 

Charlize Theron inulan ng batikossa pagsabing para raw siyang na-rape

Nakatanggap nga ng batikos mula sa media ang Oscar-winning actress na si Charlize Theron dahil sa pagkumpara niyang “rape” ang pangingialam ng media sa kanyang buhay.

Inakusahan ang 38-year old actress nang pagiging insensitive dahil sa pagbanggit niya ng word na rape na isang insensitive remark.

Nagsimula ang issue na ito sa promotion ng bagong pelikula ni Theron na A Million Ways to Die in the West. Tinanong siya kung ginu-Google ba niya ang kanyang sarili?

Heto ang kanyang naging sagot: “I don’t do that, so that’s my saving grace. When you start living in that world, and doing that, you start, I guess, feeling raped.

 â€œWell, you know when it comes to your son and your private life. Maybe that’s just me.

 â€œSome people might relish all that stuff but there are certain things in my life that I think of as very sacred and I am very protective over them.”

Mabilis nang nag-react ang mga anti-rape campaigners sa sinabi na ito ni Theron, kabilang na si Karen Ingala Smith na chief executive of victim support charity niya. Siya ang nagpapatakbo ng East London Rape Crisis Service.

“There’s one thing that’s like rape and that’s rape. It weakens what we understand as rape when we use that word inappropriately. It cheapens the aftermath of rape and it cheapens victims’ suffering.

 â€œIf Charlize Theron spent an afternoon listening to a rape crisis helpline she would understand very quickly that unwanted press attention is very different.”

Show comments