Pagkatapos maging at ease ni Coco Martin sa huntahan nila ni Vice Ganda nang mag-guest ito sa Gandang Gabi Vice - dalawang magkasunod na Linggo - para sa anniversary ng show, puwede na rin siyang mag-host in the future basta ba confident siya sa topic. Ang dami niya kayang baong kuwento kahit seryoso ang pinagsasabi niya na mukhang sineryoso naman ng mga nanood. Ang maganda pa, marunong din siyang sumundot ng patawa. Swak siya sa Banana Split kung laglagan din ang labanan, dahil hindi manalo si Vice sa kanilang mga biruan. Ang cute pa ni Coco dahil sa katatawa niya ay nawawala ang kanyang mga mata.
Lalong puwedeng-puwede siyang magkaroon ng sarili niyang cooking show dahil mahilig siyang magluto. Hindi pa nga makapaniwala si Vice na katuwiran ni Coco, kaya nga raw siya nag-aral ng Hotel and Restaurant Management o HRM dahil hilig talaga niya ang pagluluto. Pinatikim na niya ng luto si Sarah Geronimo nung ginagawa nila ang Maybe This Time dahil nagdadala si Coco ng mga luto niya sa shooting.
Kapag nagkataon, first time na isang matinee idol ng ABS-CBN ang magkakaroon ng cooking show na kakaiba rin dahil puro babaeng host, tulad nina Kris Aquino at Judy Ann Santos, ang karamihan sa nagho-host ng ganyang show. Puwede ring may temang pagluluto ang susunod na kuwento ng series or movie ni Coco para ma-highlight ang talent nito sa pagluluto.
Tinadyak-tadyakan, Isabelle buwis-buhay ang ginawang pagsali sa Ironman sa Hawaii
Malaking achievement para kay Isabelle Daza na makarating siya sa finish line sa kakatapos na KONA Ironman 70.3 na ginanap sa Hawaii last week.
Feeling proud si Isabelle dahil 7 hours and 17 mins ang record niya, na talagang “not bad†na comment niya sa kanyang Instagram account nang i-post nito matapos ang race.
Talagang hindi biro ang ginawa ni Isabelle dahil buwis-buhay ang pinagdaanan nito na mula sa training palang sa pagsi-swimming, pagba-bike, at marathon, may halo pang training sa gym. Sa swimming daw talagang nakatikim siya ng hampas at tadyak sa ibang kasali habang lumalangoy.
Kaya sa actual na race na sinalihan ng triathletes all over the world, katakut-takot na nerbyos ang inabot ni Isabelle na nakuha pang magpatawa kung ano raw ang ginagawa niya sa naturang race. Siyempre kasama ni Isabelle ang dyowa nito na sumabak din sa Ironman race kaya nag-stay pa sila after ng event sa Hawaii. Kasama rin nila si Erwan Huessaff pero wala si Anne Curtis.