Nababanggit ni Pokwang sa mga interview na walang pagsisisi siyang nararamdaman nang mag-decide siyang isantabi ang pag-ibig, para mai-focus niya ang kanyang full attention sa nag-iisang anak na si Ria Mae.
Japanese ang ama ni Ria Mae. At bata pa ito nang maghiwalay sila. Kaya, tanging siya lamang, ayon kay Pokwang, ang nagpalaki sa anak.
“Ayokong maranasan niya ang paghihirap na naranasan ko noong ako’y bata pa.
“Kaya, kayod-marino talaga ako para sa kanya.
“Well, ngayon, maipagmamalaki kong sabihing first year college na ang anak ko in Culinary Arts sa isang school sa The Fort.
“May sapat na rin akong naipon para makapagpatayo siya ng restaurant kapag nagtapos na siya,†susog pa ni Pokwang.
Nangangahulugan din ba itong ready na rin siya to entertain suitors? Balitang mga foreigner ang nagkakagusto kay Pokwang.
“Why not?†ang maliksing sagot ni Pokwang. “Aba, ang tagal ko na ring ‘di nakatikim ng tamis ng pag-ibig.
“High time na maranasan ko na naman itong muli,†tugon uli ni Pokwang.
Currently busy promoting her soon-to-be released starrer, The Illegal Wife, with Zanjoe Marudo, she is no longer after someone na kasing good-looking ni Zanjoe. Sapat na raw na mabait ito, may hanapbuhay at kayang mahalin ‘di lang siya kundi pati si Ria Mae.
“Well, kung good-looking siya, bonus na ’yun. At sana, ‘di magkalayo ang edad namin,†dugtong pa ni Pokwang.
The Illegal Wife is not her first team-up with Zanjoe, as they were together in Cinco. ‘Di rin ito ang unang movie nila with Skylight Films, as they have both appeared in quite a number of their productions na pawang kumita sa takilya.
No wonder that at the presscon of The Illegal Wife, Enrico Santos, head of Skylight Films, officially proclaimed the two of them as the King and Queen of Skylight Films.
Pinaka-memorable movie ni Zanjoe with the firm ang Bromance, where he played a dual role, isang bilang gay at isang hunk. Call Center Girl naman ang huling movie ni Pokwang with Skylight Films.
Direk Tony ibinuNYAG kung paano nabingwit ni Pokwang si Zanjoe
Of The Illegal Wife, Tony V. Reyes, popularly known as Bossing Vic Sotto’s favorite director, said that the movie has Pokwang playing a single mom to two kids. Like what she did for her daughter in real life, lahat ng makakaya niya ay ginawa niya para mapasaya at mabigyan ng magandang buhay ang dalawang bata. Kahit pa magkaiba ang ama nito.
Wala na sa isipan niya ang mag-asawa pang muli, hanggang ma-meet niya si Zanjoe, who happened to be suffering from amnesia at the time nang una silang magkita, at ipinakilala niya ang sarili na asawa nito.
“Dito ‘pumasok’ ang comedy sa The Illegal Wife, via the crazy and wacky experiences ng dalaÂwa bilang mag-asawa, hanggang isang araw, na-cure ang amnesia ni Zanjoe at naalala na niya ang lahat na dapat niyang maalala.
“He turned out to be married nga but not to Pokwang,†ang natatawang saad ni Direk Tony.
Kasama nina Zanjoe at Pokwang sa The Illegal Wife ang ilan sa mahuhusay pa nating komedyante, tulad nina Empoy Marquez, Joy Viado, at Pooh.
Featured din sina Edgar Allan Guzman, Beauty Gonzales, at Anita Linda.
Introducing si Ellen Adarna. Ang child stars na sina Mikylla Ramirez at Steven de Guzman ang gumaganap na mga anak ni Pokwang.