Zsa Zsa panay pa rin ang dasal kay Dolphy

MANILA, Philippines -  Ngayong out in the open na ang pakikipag-relasyon ng Kapamilya singer-actress na si Zsa Zsa Padilla  kay Architect Conrad Onglao ay ibinahagi na nito sa programang The Buzz last Sunday kung paano sila nagkakilala ng boyfriend. As Zsa Zsa turned 50 last May 28, isa sa best birthday gift itong masaya niyang love life.

Ang Megastar na si Sharon Cuneta ang nagpakilala pala sa kanya kay Conrad. Isang parang blind date raw ang sinet-up ng kaibigang si Shawie sa kanila. Hesistant pa raw siya noong una na tumuloy sa pakikipagkita dahil sa kanyang ‘chipped tooth’.

 â€œKasi that day talaga, I chipped my tooth. Kasi kaka-whitening, nakakaweaken siya ng enamel. This side. Actually nung nag-date kami pinaupo ko siya sa side na ‘to para ‘di niya makita chipped yung ngipin ko. It was a Sunday, walang dentist. It was after ASAP, early evening,” kuwento ni Zsa Zsa kaharap ang Queen of all Media na si Kris Aquino.

Sey pa ng Divine Diva, mahigit tatlong oras daw silang nag-usap ni Conrad pero hindi raw siya sigurado kung attracted na ba siya agad dito.

Pero naniniwala raw si Mega na bagay at magki-klik sila ni Conrad.

Sabi pa ni Zsa Zsa, “Sabi niya talaga, she said strongly, na I can see the two of you together.”

Pag-amin pa ng singer-actress, pag-uwi raw niya ng bahay pagkatapos ng date nila ay umiyak daw siya.

“Pag-uwi ko umiyak ako talaga. At home, I said, ‘oh my god, how will I move forward if I won’t even give it a chance?’ Tapos I cried.”  

Agad din daw siyang nagkuwento kay Shawie ng nangyari sa kanilang date. 

“He has a good personality, ok siya kausap, magaan siya. Nung sinabi kong ligawan ako (kay Sharon), nag-text the next day.”

Buong araw daw niyang ginambala si Conrad.

 â€œWe just hit it off and we were texting til 5, hanggang matapos siya mag-work.” 

Isang linggo raw siyang niligawan at naging mag-on na sila. 

 Tinanong ni Kris si Zsa Zsa kung ano sa tingin niya ang sasabihin ni Dolphy ngayong nakahanap na siya ng bagong pag-ibig.

“Actually, when I would feel uncomfortable after a date, nag-pray talaga ako sa kanya. I want to be released kasi. It was just so hard. Ang hirap kasi mag-mourn eh. At a certain point nakita ko yung hitsura ko, ‘artista ka pa ba?’ Ganun na nangyari sa itsura ko, so I really had to make a change. Tapos nun, a lot of times, nasa kwarto ako talaga kasi depressed ka. Actually dinaan ko nga sa kain ‘di ba? So I gained so much weight na. Sabi ko feeling ko talaga, buhay pa ba ako? Kasi a part of you dies. So minsan ‘di maintindihan ng tao yun eh. I think kailangan mapagdaanan mo ‘yun. I don’t want anybody else to experience it but it’s so difficult,” bahagi pa ng aktres.

Naiintindihan naman daw ni Conrad ang kanyang pinagdaraanan kaya ang tangi niyang dasal ay ang unawain pa siyang lalo nito.

In the end, umaasa si Zsa Zsa na ang relationship na ito would  last a lifetime.

 Tinawag din ni Zsa Zsa na “my rockstar” si Conrad.

 â€œPinagdasal ko din siya kay Dolphy. I prayed, please give me a man who will love my girls equally. And he does. He cares so much for my girls. Pinagdasal ko siya talaga sa Diyos. Please God,” pagtatapos ni Zsa Zsa sa interview ni Kris Aquino sa kanya.                

Show comments