MANILA, Philippines - Kahit hindi artista ay agad na dumipensa ang panganay na anak nina Marjorie Barretto at Kier Legazpi na si Daniella ‘Dani’ Barretto dahil sa mga paratang ng kanyang tita Claudine Barretto na siya ay walang utang na loob at walang good manners. First time nitong humarap sa telebisyon at magsalita para ipagtanggol ang kanyang sarili at ang mahal na ina.
Nasabi raw ito ni Claudine nang mabasa nito ang posts sa Twitter ni Dani dahil nasaktan ito sa mga patutsada ng pamangkin.
Sa eksklusibong panayam ng host ng The Buzz na si Boy Abunda sa dalaga, ay matapang na sinagot nito ang mga paratang laban sa kanya ng Tita na si Claudine. Sa nangyari raw ay higit siyang nasasaktan kaysa sa nagagalit.
“She said na wala na raw siyang pakialam sa akin kasi bastos daw ako and wala akong utang na loob. Pinahiya niya ako. Sira na ako agad sa mata ng tao. Hindi pa nila ako nakikilala, she already made people believe na wala akong utang na loob and bastos ako… (Pero) mas nasasaktan ako than nagagalit ako sa kanya,†unang pahayag ni Dani.
Ayon pa sa dalaga, na-misinterpret daw ng kanyang tita Claudine ang kanyang mga post sa social media at ang kanyang mga post daw ay hindi naman patungkol sa kanya.
“When she came out on TV, she released other tweets of mine that weren’t really for her. Actually last year ko pa yatang mga tweets ‘yun. But I’m already answering it now – it wasn’t meant for her,†paliwanag pa nito.
Nang tanungin ni Boy kung talaga bang bina-bash niya si Claudine, sagot ni Dani “No. I have no idea where that came from. When she was interviewed during Mother’s Day, I saw my mom cry. And then doon na ako – alam mo ‘yung anak ka eh. Ide-defend mo ‘yung nanay mo. I did tweet something that day. But I realized that I shouldn’t, so I erased it right away. But she saw it.â€
Binulabog na raw siya ng mga haters simula noon.
“After her interview, haters were non-stop, below the belt ‘yung mga sinasabi like wala kang modo, mukha kang kabayo, pangit ka. So nag-tweet ako. And she said that pinalaki niya kami, wala raw akong utang na loob. And doon na-offend ako for my mom because my mom never left, she was always here. Sinabi ko na walang ibang nagpalaki sa amin kundi mommy ko. Doon siya na-offend,†sabi pa ni Daniella.
Hindi naman rin itinatanggi ni Daniella ang mga nagawang tulong ng kanyang Tita Claudine sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang magkakapatid.
Sa gulong ito laban sa kanya, sinabi ni Claudine na siya (Dani) raw ang nauna dahil sa kanyang mga mapanirang tweets.
“I don’t think so. The first time I tweeted, she thought that it was for her. I wasn’t attacking her. That’s two different things – attacking somebody and defending somebody. I was just defending my mom.â€
Matagal daw siyang nanahimik at ngayon lang daw siya umalma dahil sa tingin niya ay sobra na ang pang-aapi sa kanyang ina pati na rin sa kanya.
“Ayaw na namin makisali eh. We stayed neutral by keeping quiet but then this one, it was direct attack sa akin na. Parang teka lang naman, bakit biglang ako na? We could have talked about this over the phone. I would have explained myself. But wala na, parang lumabas lang siya sa TV,†pahayag pa ni Daniella.
Tungkol naman sa naging tweet ng abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio na “Year of the Horse nga pala. This could be Dani Barretto’s year…†pero wala naman daw siyang ibang masamang ibig ipakahulugan dito, nag-react na rin si Daniella sa bagay na ito.
“No (I don’t believe he meant well), because a few days ago, my tita came out on TV saying those things about me and then all of a sudden, he’s just going to tweet that?â€
Sana raw ay hindi na sumasawsaw pa ang abogado sa away ng pamilya nila.
“I feel like hindi na siya dapat nakisali. I was more of hurt doon sa tweet niya than offended,†she said. “He doesn’t know me personally so what is he trying to say?â€
Grabe rin daw ang naging epekto nito sa kanya lalo na sa social media kung saan ay very active siya.
“Yes, I get hurt. Nakaapekto sa akin ng sobra kasi ang daming bashers na sunud-sunod akong bina-bash every day dahil sa tweet niya na ‘yun. Everyday on Twitter, Instagram, Facebook. I go to school and ‘yung mga tao sa school ko, siyempre active din sila sa social media,†kuwento pa ni Daniella.
Pero dahil sa gulong ito, nangako si Daniella na higit siyang magiging strong for her family.
Samantala, sa interview naman ni Claudine sa The Buzz din ay natanong kung aware ba siya sa naging controversial tweet ng kanyang abogado na si Ferdinand Topacio.
Sey ni Claudine, “Yes, I am aware but I cannot speak for my lawyer. Daniella drew first blood. Siyempre dapat kapag bata ka, hindi ka ganyan, hindi ka bastos. Well sabi niya hindi raw ako ang nagpalaki sa kanya. Eh ‘di hindi. Pero alam niya na masasakit ang mga binitawan niyang mga salita.â€
Nasasaktan din daw siya kapag may mga tumitira sa kanyang mga pamangkin.
“Nasasaktan din naman ako kapag tinitira siya pero alam mo, hindi na siya bata. I think kailangan din na matuto rin siya,†pahayag ni Claudine.