^

Pang Movies

Pokwang, dinakma-dakma si Zanjoe!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Malala raw ang suot ni Pokwang sa lampungan nila sa kama ni Zanjoe Marrudo sa movie nilang The Illegal Wife. Pero gentle lang daw ang landian nilang ‘yon sa kama.

“Pero halos buong araw kaming magkasama sa kama! Naka-shorts lang ako, siya, naka-tanga lang! Kasi buong araw naming kinukunan ang eksena sa kama, kaya nakaganoon lang kami!” pahayag ni Zanjoe sa presscon ng movie.

“Totoo ‘yon! Iba-ibang anggulo! Kiyeme! May tsuk, pak, boom! Iba-ibang positions! 1,500! Ganyan!” sabi naman ni Pokie (Pokwang).

“Di baleng mauntog na, matamaan ang kung anu-ano! Ha! Ha! Ha!” rason ng aktor.

“’Yung kamay ko kung saan-saan pumunta, dumudunggol! Kasama sa script ‘yon. Pinadagdag ko! Ha! Ha! Ha!” chika pa ng komedyana.

“Sabi nga ni Direk, ‘O, hinawakan mo eh!’ Ha! Ha! Ha!” bato naman ni Zanjoe.

Sinadya bang hawakan ni Pokwang ang pagkalalaki ni Zanjoe?

“Plantsa, plantsa! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Pokwang na isang gay lingo na ang ibig sabihin ay haplus-haplos lang.

“Kunwari, nakatalikod siya pero dumadaklot! Ha! Ha! Ha!” sabad naman ng aktor.

Kumusta naman ang pamamalantsa niya?

“Keri, keri! Ha! Ha! Ha! Ha!” diin ni Pokie.

Ano naman ang reaksyon ni Zanjoe sa dunggulan at plantsahang ginagawa ni Pokie?

“Okey lang naman. Siyempre, kasama sa eksena. Nawawala ang gusot ‘pag naplantsa! Buti na lang, may Flappy Bird (ang shorts ko)! Ha! Ha! Ha! May nakaharang,” katwiran ni Zanjoe.

So ano ang pinakagrabeng ginawa sa kanya ni Pokwang sa eksenang ‘yon? Hanggang saan siya umabot?

“Helicopter!” tugon ni Zanjoe na ang isang sexual position ang tinutumbok. Hindi na nga lang niya ipinaliwanag ang “helicopter” dahil may batang kasama sa presscon.

“May ganoong eksena talaga na nag-i-spaghetti pababa siya sa akin! Ha! Ha! Ha!” sabi ng aktor.

“Pawis na pawis kaya ako nu’n! Dahil mainit ‘yung eksena! Chos! Hindi dahil mara­ming ilaw! Nag-init? Slight lang! Ha! Ha! Ha! FYI, hindi ito bold. Ano lang. Semi porn! Chos! Ha! Ha! Ha!” dahilan ng komedyana.

Eh, kung kasing guwapo ni Zanjoe, ang lalaki, handa ba siyang maging kabit?

“Sa edad ko bang ito, aarte pa ako? Kahit na nga si Empoy, titirahin ko na ‘yan eh! Ito pa kayang si Zanjoe? Bago magsara, tara na! Ha! Ha! Ha!

“Empoy ano, aarte?” baling niya kay Empoy na nasa cast.

Sa edad niya ngayon, handa na ba siyang magkaroon ng sex sa lalaki matapos ang ilang taong tagtuyot?

“Nu’ng una, sabi ko, teka lang. Baka mamaya, kung ano ‘yun makuha ko! Pero ngayon, sige na nga, tara na. Kahit ano na lang!

“Bago ako mag-acetylene. Pambutas ‘yon ng mga sarado, ‘di ba?” dahilan ni Pokie.

Kung may asim ang deskripsyon sa kanya ni Zanjoe, consistent si Pokie sa pagsasabing very, very gentleman ang aktor. “Hindi ako nagtataka kung bakit mahal na mahal siya ni Bea (Alonzo) hanggang nga­yon!” deklara ni Pokwang.

 

vuukle comment

ANO

EMPOY

FLAPPY BIRD

ILLEGAL WIFE

KAHIT

LANG

PERO

POKWANG

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with