Zanjoe maghapong ikinama si Pokwang!

First time ni Zanjoe Marudo na maidirehe ng blockbuster comedy director na si Tony Y. Reyes sa pelikulang My Illegal Wife with Pokwang, kaya ang joke niya kahapon sa presscon ng movie, pakiramdam daw niya ay para na siyang si Vic Sotto.

As we all know, for how many years now ay parating mga pelikula lang nina Tito, Vic, and Joey ang idinidirek ni Direk Tony kaya sobrang honored ang aktor na makatrabaho niya ang pamosong direktor.

Hindi naman itinatanggi ni Zanjoe na sobrang iniidolo niya si Bossing Vic at hinahangaan niya ang pagiging versatile actor nito na mapa-comedy, mapa-drama, mapa-kantahan ay kayang-kayang gampanan.

At mukhang sumusunod naman siya sa yapak ni Vic dahil tulad din ni Bossing ay kayang-kaya ni Zanjoe ang magpatawa at magdrama.

Pagkatapos nga niyang mag-drama sa teleseryeng Annaliza, heto’t magpapatawa naman siya sa My Illegal Wife under Skylight Films.

Kahapon sa presscon, say ni Zanjoe ay natutuwa raw siya na binigyan ulit sila ng movie ni Pokwang. Medyo nabitin daw siya sa una nilang pinagsamahang film, ang Cinco dahil isang episode (out of five) lang daw sila du’n.

 â€œKaya natutuwa naman ako at this time, isang full-length movie na talaga ang ibinigay sa amin,” say ni Z (tawag kay Zanjoe).

Kaaliw nga sa presscon dahil napag-usapan ang love scene nila ni Pokwang sa movie. Kuwento ni Zanjoe, buong maghapon daw kinunan ang eksena kaya buong maghapon din silang nasa kama.

 â€œBuong araw kaming magkasama sa kama. Naka-tanga lang siya. Buong araw kaming naka-ganu’n lang,” kuwento ni Zanjoe.

Say ni Pokwang, kung saan-saan nga raw napunta ang kamay niya pero wala raw pakialam si Zanjoe.

Natanong nga rin si Zanjoe posible bang ma-in-love siya sa isang katulad ni Pokwang in real life at ayon sa aktor ay hindi raw mahirap mahalin ang komedya.

 â€œWalang problema sa hitsura niya. Talaga lang inuuna niya ang pamilya niya, kapatid niya, anak niya, naka-focus siya do’n siguro kaya...(walang boyfriend). Pero hindi malayong...(magustuhan ng isang lalaki). Ang dami-daming nanliligaw dito.

 â€œAng dami-daming nagkakagusto. Siguro, hindi lang niya talaga pinagpapansin. Hindi, hindi malayong mahalin si Mamang (tawag niya kay Pokwang). Unang-una sa ugali, tapos, ang sexy pa ng katawan,” papuri pa ni Zanjoe na ikina-flatter naman ng komed­yana.

Showing na sa June 11 ang My Illegal Wife mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes.  Kasama rin sa movie sina Empoy Marquez, Joy Viado, Pooh, Edgar Allan Guzman, Beauty Gonzalez, Mykilla Steven, and Ms. Anita Linda.

Dahil sa success ng movie nila ni Sarah, Coco binusog ang mga katrabaho

Bilang pasasalamat sa mga cast and staff na nakatrabaho niya sa blockbuster movie na Maybe This Time with Sarah Geronimo, isang thanksgiving dinner ang ibinigay ni Coco Martin sa kanila.

Noong Sabado ng gabi, pagkatapos ng tatlong successful block screenings sponsored by his fans, nakasama ni Coco ang staff ng MTT, mga Adprom staff at ilang cast members.

Dumating sa thanksgiving dinner ni Coco sina Jerry Sineneng, Olive Lamasan, producer Elma Medua pati sina Dennis Padilla, Ogie Diaz, Zeppi Borromeo, Gabby dela Merced, at Toby Mabesa.

Nakita rin namin sa Instagram posts ng ilang staff ang flowers and gifts na ibinigay sa kanila ni Coco.

Kahanga-hanga ang efforts ni Coco na after each project na gawin niya, mapa-TV or movie, he makes it a point na balikan ang nakasama para isa-isang pasalamatan. In fairness, consistent ang aktor sa ugali niyang ito. No wonder he is blessed.

 

Show comments