Nag-taping na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto para sa dance show ni Marian Rivera na malapit nang mapanood sa GMA 7.
Touched na touched si Marian sa pagpayag ng Star for All Seasons na mag-guest sa pilot episode ng Marian. To top it all, nakumbinsi niya si Mama Vi na muling ipakita ang husay sa pagsasayaw.
Naging malapit sa isa’t isa sina Mama Vi at MaÂrian dahil pumayag ito na magkaroon ng special participation sa Ekstra, ang kauna-unahang indie movie ng Star for All Seasons.
Hindi nagdalawang-isip si Marian na tanggapin ang project dahil dream niya na makatrabaho si Mama Vi.
Na-appreciate nang husto ni Mama Vi ang kabutihan ni Marian kaya bilang pagtanaw ng utang na loob, nag-guest siya sa bagong dance show ng GMA 7.
Away ng mag-amang Freddie at Maegan nalaos sa mga Barretto
Tapos na ang isyu ng mag-amang Freddie at Maegan Aguilar dahil hindi na ito pinapansin ng mga tao.
Mas gusto pa rin ng mga tsismoso at tsismosa ang away ng magkakapatid na Marjorie, Gretchen, at Claudine Barretto.
Una, mas sikat ang Barretto sisters kesa sa father and daughter tandem nina Ka Freddie at Maegan.
Pangalawa, mas marami raw na ibubunyag na eskandalo si Claudine dahil binabanggit na nito ang pangaÂlan ng mhin na li-link sa kanyang kapatid.
Nakisawsaw na rin sa gulo ang anak ni Marjorie na si Dani na may sariling opinyon at moment. PuÂwedeng-puwede na hindi masangkot si Dani kung pinili nito na manahimik pero nagmana rin siya sa kanyang mga kamag-anak na ginagamit ang social media para ipaalam sa buong mundo ang kanilang mga saloobin at hinanakit na nararamdaman.
ER makakapag-concentrate na sa pagpe-pelikula
Mataas ang respeto ni Laguna GoverÂnor ER Ejercito sa kanyang tiyo, si Manila City Mayor Joseph Estrada kaya sinunod niya ang payo na bumaba siya sa puwesto at umuwi na sa bahay nila sa Pagsanjan, Laguna.
Malaki ang kinalaman ni Papa Erap sa desisyon ng kanyang pamangkin na iwanan ang provincial capitol ng Laguna.
Kung hindi pinuntahan ni Papa Erap sa Laguna si Papa ER, tiyak na nasa loob pa rin ito ng old capitol building ng Laguna.
Buo ang paniniwala ni Papa ER na biktima ito nang pulitika at hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang-araw, mababawi niya ang kanyang posisyon bilang ama ng lalawigan ng Laguna.
Ilalaban pa rin ni Papa ER ang kanyang karapatan. Hindi naman siya mawawalan ng mga gagawin dahil puwede niyang pagtuunan ng pansin ang mga pelikula na balak gawin. Palaging sinasabi ni Papa ER na gumagawa ito ng mga pelikula para matulungan niya ang maliliit na manggagawa sa local movie industry.
Kabilang ang mga stuntmen na tinutulungan ni Papa ER sa mga nalungkot nang pababain siya ng COMELEC mula sa kanyang puwesto.
Startalk tuwing sabado na uli
Gusto kong i-remind sa lahat na mula ngayon, balik-Sabado na uli ang Startalk. Kaabang-abang ang mga isyu na tatalakayin namin sa Startalk tulad ng foreigner na bumastos kay Mama Boots Anson Roa, ang pagbaba ni Papa ER sa puwesto at ang never-ending feud ng magkapatid na Marjorie at Claudine.
Guests din namin sa Startalk ang mga artista ng Ang Dalawang Mrs. Real na ipo-promote ang kanilang teleserye na magsisimula sa Lunes, June 2 at mapapanood sa GMA 7.