MANILA, Philippines - Glossy ang dating ng bagong series ni Jasmine Curtis-Smith na JasMINE sa TV5. Hindi galing sa writers ng network ang konsepto at laman ng progÂrama kundi sa advertising leader na Ace Saatchi & Saatchi, na ngayon lang pinasok ang paggawa ng programa matapos manalasa sa mga TV commercials. Kahit line produced ito ng Unitel Entertainment, hands on pa rin ang executives ng Kapatid Network sa paggawa ng family mystery drama.
Siyempre pa, ang ikumpara sa kapatid na si Anne ang isinalang na intriga kay Jas (Jasmine) matapos ipalabas ang pabulosang first episode nito na mapapanood ngayong Sunday, June 1. Kasi nga, naghuhumiyaw na pangalan niya ang nasa title ng programa, hindi gaya ng ate niya na never ginamit ang sariling pangalan sa sariling programa, huh!
“Ahhh, I think, it’s still kinda same po na title role pa rin naman siya (Anne) kahit totoong pangalan ko ang JasMINE. Character lang po ang pino-portray ko. Halos the same lang po ‘pag sinabing si Dyesebel.
“For me, it’s a very, very amazing opportunity and sobrang saya ko po kasi pangalan ko po mismo ang ginamit. Sobrang pasasalamat ko sa lahat ng bumuo!†paliwanag ni Jas sa press launch ng bagong series.
Sa series, ang mundo ng showbiz ang tinatalakay sa JasMINE. May twist nga lang ito dahil may lalabas na stalker ang young actress na si Maskara. Eh, siya ba, nagawa na niyang makipagplastikan sa mga tao sa showbiz?
“Ako po, as much as possible, ayokong makipagplastikan. Kasi ayoko rin po na ginagawa ‘yon sa akin. So ‘pag hindi ko ramdam ang isang tao, hindi naman ako magiging masama. Hindi ko rin naman sila paplastikin para chikahin. ‘Hoy, kumusta na!’
“As much as possible, I’ll just stay quiet. Mind my own business. Somehow kung kailangan naming maging relevant sa isa’t isa, I’d find a way na may common ground kami na mapag-uusapan para hindi naman po awkward kahit ayaw namin sa isa’t isa!†paliwanag ng young actress.
Sa totoo lang, nagkakaisa sa pagsasabi ang karamihan sa press na nanood ng JasMINE na may angking galing sa pag-arte si Jasmine. Kasama rin pala niya sa cast sina Carlo Orosa, Cai Cortez, Matthew Padilla, Gerard Sison, Vin Abrenica at iba pa. Si Mark Meily ang director ng progÂrama na nine weeks lamang ang duration ng telecast.
Sheryl at Tina napag-iwanan na, Mane tatlo-tatlo ang show
Milya-milya na talaga ang layo ni MaÂnilyn Reynes sa kaibigan niyang sina Sheryl Cruz at Tina Paner. Hanggang ngayon, nagbibida pa rin si Mane kumpara sa daÂlawa na lumamlam na ang career, huh!
Heto nga at muling pinagtiwalaan si Manilyn ng bagong show ng GMA. Ito ay ang family drama na My BFF na pagtatambalan nila ng dating ka-loveÂteam at boyfriend na si Janno Gibbs. Bukod pa ito sa Sunday show ni Mane na Pepito Manaloto, huh!
“I’m really very thankful na nabibigyan ako ng, actually, sobra-sobrang blessings! Kasi I have three shows now. Thankful lang ako. Kaya naman kailaÂngan mo ring ingatan. Siyempre sa trabaho, ginagawa ko naman ang best ko. Para naman hindi ‘yung, ‘Binigyan kita ng trabaho, ano ang ginawa mo?’ Hindi ako ganoon,†pahayag ni Manilyn sa pocket interview ng bagong show.
But take note na artista man sila ng asawa niyang si Aljon Jimenez, hindi niya kinakitaan ang tatlong anak na sundan ang yapak nila.
Eh, sa interview, present din si Janno. Kaya naman naungkat muli kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila noon.
“Lumang-luma, huh! Batambata pa kami noon! Ha! Ha! Ha!†saad ni Mane.
Naalala naman ni Janno ‘yung nangyari sa kanila ni Manilyn sa huli nilang movie na Feel Na Feel.
“’Nu’ng mga last shooting days, hindi na kami nagkikibuan noon. Nu’ng simula, okey. Tapos, na-shelved. Nu’ng nag-resume, kasama na si Ogie. Hindi na kami nagkikibuan. As boyfriend-girlfriend, parang puro away lang kami!†chika ni Janno.