After ng launch ni MaÂrian Rivera ng kanyang new endorsement na Hana Shampoo, from a Japanese brand Shokubutsu, natanong siya kung pang ilang endorsements na niya iyon na ginawa. Ayaw sanang sagutin ng GMA Primetime Queen pero kinulit siya ng mga kaharap na entertainment press at shy pa niyang sinabi na pang-11th na iÂyon. Thankful and blessed daw siya sa sunud-suÂnod na dumarating sa kanya, and she said na walang ibang kinunsider para i-endorse ang Hana maliban sa kanya.
After one month na ipagamit ito sa kanya, nakita niyang mas naging smooth ang buhok niya, hindi na rin niya kailangang i-plantsa ito. Napatunayan niyang wala itong chemicals at herbal lahat ng mga ginamit sa pag-manufacture ng shampoo. Na-try na rin daw niyang magbigay nito sa mga friends niya at sa kanyang mama at lola at nagustuhan nilang lahat.
Dahil daw ba sa Hana kaya feeling fresh lagi si Marian sa pag-join niya kina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa segment ng Eat Bulaga na Juan For All, All For Juan? Siya raw kasi, basta maayos ang buhok niya, kahit wala siyang make-up, feeling niya ay fresh siya.
“Pero hindi ko po nakakalimutan ang iniatang sa aking tungkulin bilang ambassador ng mga disabled women and children at ang adopt-a-bangka project sa Cebu. Sa ngayon ay lumilikom pa kami ng funds para sa second batch ng pagbibigay namin ng mga bangka. Ayaw ko pong mangako pero sa birthday ko sa August, pipilitin kong maibigay ang dagdag na mga bangka para magamit nila sa kanilang ikabubuhay,†pahayag pa ni MaÂrian.
Rodjun hindi nawawalan ng trabaho nang malipat sa GMA
Thankful si Rodjun Cruz na simula nang lumipat siya sa GMA Network, kahit wala pa siyang exclusive contract sa kanila, hindi siya nawawalan ng project. Regular siyang napapanood sa Sunday All Stars, at guests sa ibang shows ng GMA. Ipinadadala rin siya sa mga regional shows sa iba’t ibang lugar. After ng My Husband’s LoÂver, pinakamalaking project na ibinigay sa kanya itong Ang Dalawang Mrs. Real na gumaganap siyang si Allan Real, younger brother, pero very protective kay Anthony Real played by Dingdong Dantes. Minsan na raw silang nagkasama noon ni Dingdong sa Pintados, pero hindi raw nagbabago ang ugali nito at sipag sa trabaho.
Biniro si Rodjun kung hindi ba niya sinasabihan ang brother niyang si Rayver na lumipat na rin sa GMA, wala naman daw silang sibling rivalry ni Rayver at okey na raw na magkaiba sila ng network. Very supportive daw naman sila sa isa’t isa, basta may project silang ginagawa. GÂoing strong din ang relasyon nila ni Diane Medina na freelancer din at nakagagawa ito ng projects sa ABS-CBN at TV5.