Suportado ng mga dating ka-loveteam ni Coco Martin ang Maybe This Time na movie niya with Sarah Geronimo dahil dumating sina Angeline Quinto at Julia Montes sa red-carpet premiere night ng movie last Tuesday night.
Mega-blockbuster ang premiere night dahil punung-puno ang dalawang sinehan at napakarami pang hindi nakapasok. Panay tilian din ang maririnig mo mula sa mga fans habang nanonood sila at kilig na kilig kina Coco at Sarah.
In fairness, napakagaling nga ni Sarah sa confrontation scenes nila ni Coco at ng kanyang ina played by Charmaine Buencamino. Ang hahaba ng lines niya na habang dine-deliver niya ay mararamdaman mo ang lalim ng kanyang pinaghuhugutan.
Walang halong biro, napaiyak kami ni Sarah sa dalawang confrontation scenes niya na ‘yun. Tama si Coco when he said na talagang kakaibang Sarah ang mapapanood sa pelikulang ito.
Aliw na aliw naman kami kay Ogie Diaz who provided the comic relief sa pelikula. Tawa kami nang tawa sa halos lahat ng eksena niya lalo na ‘yung eksenang kinorek niya ang grammar ni Tonio (Coco), eh mali rin naman.
Maganda rin at very wholesome ang role ni Ruffa G. bilang si Monica, ang mataray na girlfriend ni Coco. Ang one-liner niyang “catch my drift†ay tiyak na tatatak sa manonood pati na rin ang line niya parati kay Coco na “it’s Babe, not Babes, singular because there’s only me.†Babes kasi parati ang tawag ni Tonio kay Monica so, kinokorek ito parati ni Monica.
Ang daming one-liner na mapupulot sa movie kabilang na nga rito ang “there was never an us†na linya ni Sarah kay Coco. Simpleng-simple lang ang love story nina Tep-tep (Sarah) at Tonio pero ang mahusay na performance ng dalawang bida ang nagpabigat ng pelikula.
And yes, in this film, dito kami lalong bumilib kay Sarah dahil minsan pa ay pinatunayan niya na kahit sino ang i-partner with her ay bagay sa kanya.
Ruffa hindi na isinama si Yilmaz sa reality show
Say ni Ruffa Gutierrez, lahat naman daw sila ay equal billing sa first episode ng reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez sa Sunday, June 2. Lahat daw sila ay may kanya-kanyang exposure.
“And then, sa second episode, may isang bida, hindi ko muna sasabihin sa inyo, but it’s definitely not me,†she said.
Pinipilit namin siyang sabihin kung sino ‘yun pero aniya ay abangan na lang daw dahil hindi raw talaga pwedeng i-reveal.
“Basta may mga pasabog. Sa third episode, mas malaking pasabog sa third episode kaysa sa 2nd episode,†pangsu-suspense pa niyang say.
Pero kinumpirma niyang hindi na talaga matutuloy ang appearance ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas.
“You know what kasi, ‘yung appearance ni Yilmaz, we have to have his signature, we’ll have to talk to him pa, parang is it worth it that I have to like deal with him pa? I haven’t dealt with him in so many years, you know.
“He’s not even sending me a single penny for my kids. Why would I like to highlight him and make him a star of the show?†say pa ni Ruffa.
Pero malay natin, baka raw sa susunod na season kung magkakaroon sila ng season 2.
“Pero sa season 1, he’s mentioned and he definitely has a presence pero you know, para kunan pa siya, puntahan pa namin sa Istanbul, hindi pa siguro ngayon ang right time,†say ni Ruffa.
Bale six episodes lahat ang It Takes Gutz to be a Gutierrez na magsisimula na this Sunday sa E!
Summer nakakakanta ng tagalog kahit laking Amerika
Laking U.S. ang bagong singer na si Summer at ni hindi masyadong marunong mag-Tagalog pero bibilib ka dahil sa kanyang debut album titled Secret Love produced by Saturno Music Production and distriÂbuted by Universal Records, nakaya niyang kantahin ang mga Tagalog songs sa album na likha ni Vehnee Saturno.
Summer is half-Pinay, half-American at bata pa lang daw siya ay talagang passion na niya ang pagkanta. Luckily ay nakilala niya ang composer na si Vehnee at binigyan nga siya ng album.
Kahit laking U.S. si Summer, she says she considers herself more of a Pinay.