Nagbabalik na hip-hop rappers, Dingdong bilib sa galling ng Salbakuta

Likas talaga ang pagiging generous ni Dingdong Dantes, imagine walang dalawang salitang nakiusap sa magaling na aktor ang nagbabalik na grupong Salbakuta sa self titled album nila na may markang S Rebirth.  Bilib at malaki raw kasi ang tiwala ni Dingdong sa talent ng Salbakuta, kaya ito ang nag-finance para mabuo ang kanilang bagong album.

Hindi naman napahiya ang mga members ng hip-hop rappers ng Salbakuta kay Dingdong na sina Charlie-Mac, Bendeatha, at Mad Killah dahil ang lakas ng recall ng isang kanta nila sa album na Mabuti na Lang. Ka-duet nila rito ang prince of RnB na si JayR at humahataw sa MYX countdown.

Hindi rin tumanggi ang mentor nilang si Andrew E na muling makatrabaho ang hip-hop group sa kantang Got It Like That sa kanilang album, na isang danceable tune.

Maraming natuwa sa mga fans ng Salbakuta sa pagbabalik nila sa music scene na masang-masa pa rin ang dating ng kanilang mga kanta tulad ng Life, Funky Move, Grabe Ka, Ikaw Si, Showtime, Hindi Malilimutan, Dwcuc, Basura Daw, Hip Hop Dudong, at That Girl na produce ng Homeworks production ni JayR.

JayR ‘isinusumpa’ ang ex-GF

Natawa naman si JayR sa tanong kung patama ba niya sa dating nobya na si Krista Kleiner ang kantang Mabuti na Lang.

“In a way,” sabay tawa ni JayR.

Kanta kasi ito para sa mga lalaking sinusumpa ang kanilang mga walang konsensiyang ex-gf, pero hindi naman bitter ang mensahe ng song dahil naka-move on at nagpapasalamat pa dahil nakawala sa kanilang mga nakarelasyon. Ginawang light ang dating ng melody na maganda pa ang hagod ni JayR ng pagkanta. Collaboration ang kantang ito nina JayR at members ng Salbakuta na ang chorus ay isinulat naman ng isa pang kaibigan ng grupo.

Obvious na naka-move on na at proud ang RnB prince sa bago nitong girlfriend na model/singer na si Mica Javier.

Kasama rin si Mica sa album ng Salbakuta sa song na  Showtime na mahusay ding mag-perform. Hindi na man nakapagtatakang may talent din sa music ang GF ni JayR, dahil buong pamilya niya ay kumakanta maging ang  pamangking ito ni Danny Javier ng Apo Hiking Society. Marunong din itong tumugtog ng gitara at mahilig sumayaw. Gustong i-combine ni Mica ang talent ng kanyang family na mahilig sa music at the same time ng kanyang pagiging creative.

Sa Pilipinas ipinanganak si Mica, pero sa New York siya nag-aral ng business & arts curriculum.

Artist si Mica sa U.S kung saan kasama siya sa Timbaland Productions, na isa sa talents ay si Justin Timberlake.

Si Mica ang kumanta ng 3000 Light Years na ginamit sa isang background song ng palabas na Glee. Marami na siyang naisulat na kanta at ngayon ay binubuo niya ang kanyang album kung saan gusto niyang puro original songs ang i-feature. Siyempre kasama niyang nagpaplano ang BF na si JayR sa gagawing mga kanta na laging may remembrance album sa kanyang mga girlfriend.

 

Show comments