Inaamin ng movie queen na si Gloria Romero na siya ay 81 years old na sa darating na Disyembre. Pero matutuwa ka dahil sa kabila ng kanyang edad ay nagagampanan pa rin niya nang mahusay ang mga mabibigat na roles, kagaya nga ng ginagawa niya sa bagong seryeng Niño ng GMA 7. At ang nakatutuwa, sinasabi ng kanyang director na si Maryo delos Reyes na hindi nila problema si Gloria Romero, lagi siyang maaga sa set, professional, at pagdating alam na niya ang kanyang mga linya at ready to shoot na.
Iyan ang mga artistang dapat pamarisan. Hindi lamang mahusay umarte. Iyang pag-arte, maraming mahusay diyan dahil napag-aaralan ang pag-arte, pero ang mabuting attitude na kagaya ng nakikita kay Gloria Romero, hindi kasi napag-aaralan iyan. Nasa pagkatao talaga iyan.
Sa buong panahon na naging isang sikat na artista si Gloria Romero, nabalitaan na ba ninyong siya ay naglasing, o nagdroga, o naloko sa sugal? Narinig ba ninyong nakipagrelasyon siya sa kung sinu-sinong lalaki? Narinig ba ninyong nahuli siya dahil sa masamang bisyo? Alam ni Aling Gloria kung papaano pangalagaan ang kanyang sarili, at alam din niyang bilang isang aktres siya ay may responsibilidad sa lahat na maging role model. Ganyan dapat ang mga artista, hindi kagaya noong iba na puro kahihiyan ang ginagawa, nagkakaroon pa ng kaso hanggang sa abroad.
Iyang mga kagaya ni Gloria Romero, na hindi lamang mahusay na aktres kung ‘di mahusay ding halimbawa sa mamamayan, at masasabi mong dangal talaga ng bansa, iyan ang dapat na idinedeklarang national artist. Kasi ipagÂmaÂmalaki mo. Sasabihin mo, ang mga artista sa aming banÂsa mahuhusay na tao. Eh ano ang magiging reaksiyon mo kung sasabihin sa iyo ng mga dayuhan na “ang artista sa bansa ninyo laos na addict paâ€? Hindi ba malaking kahihiyan iyon?
Buksan natin ang ating mga mata. Kilalanin natin kung sino ang masasabi mo talagang mahusay na artista.
Pinoy sawa na sa mga ‘gurang’ na nagku-concert
Sinasabi na nga ba namin, magkakaroon ng gulo kung walang mabibiling tickets sa concert ang mga taong magdamag at maghapong pumila roon para sa napakamahal na concert tickets noong One Direction. Isipin ninyo, para silang mga refugees na magdamag naghintay para lamang makabili ng tickets, doon na sila natulog sa pila. Tapos nga naman biglang magkakaroon ng announcement na wala na silang mabibiling VIP tickets. Iyon ang pinakamahal. Iyon ang pinakamalapit sa stage sa concert na gaganapin sa susunod na taon. Eh kaso sold out na eh, ano nga ba ang magagawa n’yo?
May iba pa namang tickets, hindi nga lang VIP, mas mura. Pero ayaw nila noon eh, gusto nila iyong malapit talaga kahit na mahal. Pero isipin ninyo, bakit nababaliw ang mga Pinoy fans sa mga foreign artists na kagaya ng One Direction? Bakit sila magbabayad ng 17 libong piso para lamang sa dalawang oras na musika? Kasi nga sawa na sila sa mga matatanda na nating singers na nagpipilit pa ring gumawa ng mga concerts. Hinaharang nila ang pagsikat ng mga baguhan, gusto nila sila pa rin. Nagsasawa na tuloy ang mga tao at ang hinahabol ay mga dayuhang artists.
Hindi lang mga kano ha. Dumating sa Pilipinas iyong Koreanong si Lee Min Ho, ni wala kang maintindihan sa kanta at sa sinasabi, pero napuno ang Araneta Coliseum. Napuno ang Arena. Eh iyong mga sinasabing “sikat†na local artists, hindi ba iyong isa nag-bargain ng tickets kamakailan lang.
Pabayaan kasi ninyong may matuklasang mga bagong talents na maaaring sumikat din.