Masaya ang star-studded na awards night ng Pep List 2013 held at the Solaire Resorts and Casino at Pasay City last Tuesday evening.
Maganda ang table na na-assign sa amin, kasama ang ibang entertainment press at madalas na doon dumadaan ang mga artista at celebrities na dumalo.
Kaya kahit ilang questions lamang, sinasagot naman ng mga artistang concerned.
Maagang dumating si Aleng Maliit, Ryzza Mae Dizon, kasama sina Ruby Rodriguez, Allan K, Joey de Leon, at ang manager niyang si Malou Choa-Fagar.
Siya rin ang unang tumanggap ng award pero hindi pa umalis si Ryzza Mae dahil may iba pa siyang tinanggap na award. Nang tanggapin ni James Yap ang NewsmaÂker of the Year, dinig sa ballroom ang malakas na tawag na ‘Dad’ sa kanya ni Ryzza Mae.
Si Tom Rodriguez lamang ang kasamang dumating ng talent manager na si Popoy Caritativo, bakit wala si Dennis Trillo na awardee rin ng gabing iyon?
May sakit daw si Dennis at na-packed-up ang shooting nila ni Derek Ramsay ng Cinemalaya entry nila.
Bakit tinanggap ni Gabby Eigenmann ang role ng isang beki sa afternoon prime na Dading Bading. Gusto rin daw niyang mag-try naman ng ibang role at biro niya, hindi siya mamimili ng role kaysa wala siyang trabaho.
Tiniyak naman ni Martin Escudero na wala na siya sa cast ng sequel ng Moron 5, tinanggal na siya at pinalitan ni Matteo Guidicelli. Biro niya,“okey lang, ipagdasal na lang natin sila.â€
Nang dumating si Alden Richards, kabi-kabila ang gustong magpa-picture sa kanya at masaya naman siyang pumayag sa bawat table na tumawag sa kanya.
Sa lobby pa lamang ng Solaire grand ballroom, natuwa ang mga fans nang dumating ang hindi na nagkakahiwalay na sina Lovi Poe at Rocco Nacino. Bagay na bagay naman sila talaga.
Nakilala namin ang eldest son ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Cameron na nasa ABS-CBN na pala. Mas pogi raw si Mark Anthony kaysa kay Grae noong teenager pa ang actor.
Nanalong Newsmakers of the Year ang estranged husband and wife na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Nandoon si Atty. Topacio, abogado ni Claudine at mukhang siya ang tatanggap ng award ni Claudine, kaya lamang naunahan siyang umakyat ni Cholo Barretto na siyang tumanggap ng award ng mga Barretto, dahil wala rin sina Gretchen at Julia.
Nagkagulo nang magkasamang dumating ang mag-sweetheart na Dingdong Dantes at Marian Rivera na tumanggap din ng top awards. Ang sexy ni Marian sa kanyang Boom Sason white gown. Sila ring dalawa ang pinakahuÂling nakaalis sa venue dahil sa mga interviews and picture taking sa kanila.