‘May magagawa ba ako?’ James walang kamalay-malay sa bagong pelikula ni Bimby

Kumpirmado nang may 2nd movie na naman ang bunsong anak ni Kris Aquino na si James “Bimby” Aquino-Yap, matapos ang box-office hit na first movie nitong My Little Bossings na ipinalabas noong Metro Manila Film Festival 2013.

Si Kris na mismo ang kumumpirma na kasama si Bimby sa sequel ng The Unkabogable Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda na pang-MMFF din for this year.

Kaya naman nang makita ng entertainment press ang ama ni Bimby na si James Yap sa PEP List Awards Night, kung saan ay tumanggap ito ng Male Newsmaker of The Year award by Pepsters Choice, natanong ang basketbolista kung okay ba sa kanya na may pelikula na naman ang anak since matatandaang may bahagyang pagtutol siya sa pag-aartista nito noon.

“May magagawa ba ako?” ang nasambit na lang ni James sa mga reporters.

Pero dugtong niya, siyempre raw, kung ano ang gusto ng kanyang anak ay nandiyan lang siya para sumuporta.

When asked kung kailangan pa bang magpaalam ni Kris sa kanya, aniya ay hindi na raw at okay na raw ‘yun.

Willing din daw si James na maging stage father sakaling hindi puwede si Kris na magbantay sa shooting ni Bimby. Noong first movie raw kasi ng anak ay hindi siya nakapunta sa shooting nito kahit isang beses pero ngayon daw, kung papayag daw si Kris ay pupunta siya.

Samantala, dahil sa kasama nga si Bimby sa part 2 ng The Unkabogable Praybeyt Benjamin, magkakalaban silang mag-ina dahil intended din for MMFF ang movie ni Kris na Feng Shui 2 kung saan ay makakasama naman niya si Coco Martin.

Juday nakikiusap na tantanan na muna ang relasyon nina Sarah at Matteo

Hindi rin nakaligtas si Judy Ann Santos na maurirat ng entertainment press nang dumalo siya sa PEP List Awards Night tungkol sa relasyon ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Umani kasi ng atensyon ang picture na ipinost ni Ryan Agoncillo sa kanyang Instagram account kung saan ay makikita silang magkasamang apat nina Sarah, Juday and Matteo. Unang tingin pa lang, mahuhulaan mo nang nag-foursome date sila.

Siyempre, walang inamin si Juday kung sina Sarah and Matteo na nga at basta ang say lang niya, huwag nating i-pressure ang dalawa.

“Let them be, they deserve it and hintayin natin, matatanda na naman sila,” say ni Juday.

Dagdag pa ng aktres na tumanggap ng Pep Reporters’ Choice Award, in fairness naman daw kina Sarah at Matteo ay inirirespeto ng mga ito ang isa’t isa at pati ang parents nga ni pop star ay sobra ring inirerespeto ng aktor.

Say pa ni Juday, ibigay na lang daw muna natin ang privacy sa dalawa at huwag munang i-pressure.

Ang paliwanag pa ng aktres sa pagkikita-kita nilang apat, dumaan daw lang daw sina Sarah and Matteo dahil nagti-training together ang aktor at si Ryan.

 

Show comments