Hindi ako naniniwala na tumanggap ng datung sina Korina Sanchez at Mike Enriquez mula kay Janet Napoles.
Hindi sisirain nina Mama Korina at Papa Mike ang kanilang reputasyon at kredibilidad dahil sa katsipan na isyu. Madali ang magbintang sa kapwa pero mahirap patunayan. Nasaan ang mga ebidensiya na nakatanggap ng datung sina Papa Mike at Mama Korina mula kay Napoles?
Walang dapat ipag-alala ang dalawa dahil hindi naman naniniwala ang publiko sa mga paninira sa kanila.
Pati ang mga network na pinaglilingkuran nina Papa Mike at Mama Korina, naglabas ng official statement bilang suÂporta sa kanila. Unang naglabas ng statement ang GMA 7, in defense of Papa Mike.
At kahapon naman, ang ABS-CBN ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Mama Korina. Ito ang statement ng ABS-CBN:
“Korina Sanchez has sufficiently denied receiving any gift of any form from Janet Napoles or any of her representatives. We in ABS-CBN believe that the allegation that came out in the Philippine Daily Inquirer was baseless and unsupported. The sworn statement of the person named to have allegedly brought the gift to Korina had also denied participation in this alleged gift-giving.
“The PDI story was based on only one source - an entry in the computer files of Benhur Luy which was turned over to the paper one year ago. The imputations on the journalists named are serious and damaging to reputations built over many years. We encourage all responsible journalists to verify this entry’s accuracy by getting corroborating proof, a second source, and other supporting documents.
“ABS-CBN fully supports Korina Sanchez as our news organization remains committed to uphold the highest standards of professionalism, integrity and ethics in news reporting. In our coverage of the PDAF scam, our journalists are mindful of the need to present the truth fully and be accountable for our actions.â€
Bong hindi na maharbatan
May lilinawin ako tungkol sa sagot ko sa tanong sa akin ni Willie Revillame nang mag-guest ito sa Startalk noong Linggo.
Tinanong ako ni Willie kung sino sa mga alaga ko ang pinaÂkaÂmayaman at ang pangalan ni Senator Bong Revilla, Jr. ang sagot ko.
Actually, na-distract ako kaya hindi kumpleto ang sagot ko. Ganito dapat ang sasabihin ko, si Bong ang pinakamayaman sa mga alaga ko dahil isinaÂsangkot siya sa PDAF scandal ‘di ba?
Casualty ako ng PDAF scandal dahil hindi ko maharbatan si Bong ng birthday gift niya para sa akin. Kahit papaano, may kahihiyan naman ako. Nakakahiya naman na kulitin ko si Bong sa birthday gift niya sa akin dahil alam ko na busy siya sa pag-aasikaso sa kanyang problema.
In all fairness kay Bong, kung anuman ang meron siya ngayon, bunga ‘yon ng kanyang mga pagsisikap at sipag. More than three decades nang artista at moÂvie producer si Bong kaya nakaipon siya ng pera at nakapagtayo ng mga negosyo. Masinop siya at hindi laspag sa datung kaya nagkaroon ng maraming investment. Wala tayong nabalitaan na nalulong sa masamang bisyo si Bong dahil marunong siya sa buhay.
Lucky Bamboo plant binibenta
Iniimbitahan ko ang dear readers ng Pilipino Star NGAÂYON (PSN) at Pang Masa (PM) na bisitahin ang EB Boutique ng mag-asawang Chris dela Cruz at Carol Ngo.
Sina Chris at Carol ang mga non-showbiz friend ko at produkto ng kanilang kompanya ang lucky bamÂboo plant na regular na ipino-promote ko sa StarÂtalk.
Hindi ko na-greet ang magdyowa at hindi ko naiÂpakita ang lucky bamboo plant noong Linggo dahil pinagbawalan ako na bumati bilang birthday celebration ko sa Startalk.
Napuntahan ko na ang EB Boutique nina Carol at Chris sa Banaue at nag-enjoy ako sa pamimili dahil murang-mura ang mga presyo ng kanilang mga paÂninda kaya naibili ko ng mga bag ang staff ng Startalk.