^

Pang Movies

Coco hindi inuungkat kay Sarah si Matteo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mabilis lamang ang naging grand presscon ng Maybe This Time, ang first team-up ng ABS-CBN Primetime King na si Coco Martin at Box-Office Queen na si Sarah Geronimo (na incidentally ay mu­ling kokoranahan ng kanyang third box office queen title mamayang gabi sa Solaire Resorts & Casino mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scho­larship Foundation). 

Muli itong ipu-produce ng Star Cinema at Viva Films, sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng para sa patuloy na celebration nila ng 20th anniversary.

Tinaguriang pinakamalaking romantic movie ngayong summer, gagampanan ni Sarah ang role ni Steph Asuncion at si Coco bilang si Tonio Bugayong, dati silang mag-sweetheart pero nagkahiwalay nang walang closure ang kanilang relasyon. Nang muling magkrus ang kanilang landas, may iba nang girlfriend si Tonio, si Monica (Ruffa Gutierrez) na boss naman ni Steph sa PR firm ng opisinang pinagtatrabahuhan niya. 

Sa trailer ng movie, may eksenang parang hahalikan ni Coco si Sarah, natuloy ba iyon? 

Tumawa lamang ang dalawa at iyon daw ang dapat abangan ng mga manonood sa mo­vie nila na ipalalabas na simula sa May 28 in cinemas nationwide.

Sa presscon, inamin nina Coco at Sarah na hindi naging madali agad na maging comfor­table sila pareho sa first shooting day pa lamang nila. 

Conscious daw si Sarah na isang mahusay na drama actor si Coco, samantalang nasanay siya sa romantic-comedy movies na nagawa na niya. Ganoon din si Coco, paano siya aarte kay Sarah na romantic at magpapatawa sa eksena samantalang nasanay nga siyang mag-drama?

Pero later on, naging comfortable na silang magkasama sa eksena dahil off-camera, nalaman nilang may one thing in common sila. Pareho silang mapagmahal na anak sa kani-kanilang pamilya at iyon daw ang madalas nilang napag-uusapan kung sabay silang walang eksenang ginagawa sa set.

Paano ang love life, napag-uusapan din ba nila? 

Open si Coco na wala naman siyang girlfriend dahil ang focus niya talaga ay ang kanyang work (bukod sa Maybe This Time, busy siya sa taping ng teleserye niyang Ikaw Lamang sa ABS-CBN)

As a gentleman, hindi raw nagtatanong si Coco kay Sarah tungkol sa love life nito. Nababalitaan nga raw niya ang tungkol kina Sarah at Matteo (Guidicelli) pero hindi siya nagtatanong sa kanyang bagong leading lady.

vuukle comment

BOX-OFFICE QUEEN

COCO

COCO MARTIN

GUILLERMO MENDOZA MEMORIAL SCHO

IKAW LAMANG

MAYBE THIS TIME

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with