^

Pang Movies

Anne namayat na sa tambak na trabaho!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Congrats kay Anne Curtis dahil napasaya niya ang mga nanood ng kanyang Annekapal concert sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes.

Ang sabi ng mga dumayo sa Big Dome, na-entertain sila nang husto kay Anne kahit singer-singeran lang ito. Naaliw raw sila sa walang takot na pakikipagtagisan ni Anne ng galing kina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Robert Seña.

Hindi raw maipagkakaila na ginastusan ng Viva Concert ang Annekapal dahil sa fabulous set at mga costume na ginamit ni Anne.

May mga nagkukumpara nga sa Annekapal sa past concerts ni Sarah Geronimo na hindi tama dahil tunay na singer naman ang aking favorite singer/actress.

Tapos na ang concert ni Anne kaya nabawasan na ang mga pinagkakaabalahan niya.

Almost everyday ang trabaho ni Anne dahil sa tapings ng teleserye niya sa ABS-CBN, may daily noontime show pa siya, rehearsals para sa Annekapal at shooting ng pelikula.

Puwede nang mag-beauty rest si Anne na malaki ang ipinayat mula nang magkasunod-sunod ang kanyang mga raket. I should know dahil kapag nasisilip ko ang kanyang mga TV show, kapansin-pansin ang pangangayayat ng The Noise of the Phi­lippines.

Mali ang hula na si Lea Salonga ang special guest ni Anne sa Annekapal dahil si Regine Velasquez ang bumulaga sa stage ng Araneta Coliseum.

Natatandaan ko na pinilit siya ng mga reporter na sabihin ang pangalan ng special guest niya pero nanindigan si Anne na huwag magsalita.

Basta ang sabi ni Anne, matutupad na ang kanyang pangarap na makasama sa duet ang mahusay na singer na  hinahangaan niya. Ang buong akala noon ng entertainment press, si Lea ang tinutukoy ni Anne dahil si Lea ang kumanta ng  theme song  ng Dyesebel.

Present  ang pamilya ni Re­gine sa Annekapal dahil guest din si Ogie Alcasid at kasama nila ang anak na si Nate.

Karay-karay rin ni Regine si Nate sa rehearsal nila ni Anne sa Araneta Coliseum noong Hu­webes. Lumabas ang pagi­ging mahiyain ni Nate sa litrato nila ni Anne na kuha ni Regine. Parang binata na nahihiya ang bagets habang karga-karga siya ni Anne.

Special guest din si Martin Nievera sa Annekapal. Hindi ko malilimutan ang kuwento ni Martin kay Anne nang magkasama sila sa isang show sa ibang bansa.

Puring-puri ni Martin si Anne dahil mabait at very professional ito sa trabaho kaya pumayag agad siya na mag-guest sa Annekapal  nang matanggap niya ang imbitasyon.

Si Martin ang unang narinig ko na tumawag kay Anne ng The Noise of the Philippines. Kung meron daw na Voice of the Philippines, si Anne daw ang Noise of the Philippines dahil talagang umaalingawngaw ang boses nito kapag kumakanta.

In fairness to Anne, marami ang nagsabi na malaki na ang iginanda ng kanyang boses dahil nabawasan na ang pagiging sintunado niya sa Annekapal.

ANNE

ANNEKAPAL

ARANETA COLISEUM

DAHIL

MARTIN NIEVERA

NATE

NOISE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with