AiAi laging dinadamayan ng sireno sa kanyang bahay

Inamin nga ni AiAi delas Alas sa launch niya bilang endorser ng Femilift ng Belo, na close sila ng model-actor na si Jay Gonzaga. Si Jay ay isa sa mga sireno sa Dyesebel kung saan kasama rin si AiAi.

Hindi naman itinanggi ng komedyante na pumupunta sa kanyang bahay si Jay para magkuwentuhan sila.

“Close kami ni Jay. Kasi kasama ko siya sa Dyesebel. Kapag may problema ako, pupunta siya sa bahay. Kinakausap niya lang ako, ganyan, ganito.”

Hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Jay pero kung sakaling manligaw, may pag-asa naman daw ito sa kanya.

“Close lang talaga kami. Pero kung manligaw siya, bakit naman hindi? Mabait si Jay.”

Wala raw problema sa anak niyang si Sophia ang ma-link siya kay Jay. Gusto nga raw itong ma-meet ng kanyang unica hija.

 â€œKasi si Sophia magbabakasyon siya sandali. Sabi niya, ‘Dinner tayo nina Jay.’ Gusto niyang ma-meet si Jay kaya doon ko alam na okey pala sa anak ko.”

Panay nga raw ang post ni Jay ng mga photos nila sa Instagram account nito.

 â€œOo naman. ‘Tsaka sweet kami, yung parang, ‘I miss you!’” pagtatapos pa ni AiAi delas Alas.

Antoinette, ‘type’ sina Sam at Xian

Pagkatapos ng sampung taon ay for good na nga ang pag-stay ni Antoinette Taus sa Pilipinas at tuloy na ang pagbabalik showbiz niya.

Kamakailan ay pumirma siya ng three-year management contract with Viva Artist Agency.

Kung matatandaan ay dati nang talent ng Viva Films si Antoinette, noong teen actress pa lang ito during the late ‘90s at ginawa nito ang mga pelikulang Honey, My Love, So Sweet at Kiss Muna with ex-boyfriend Dingdong Dantes.

“I’m happy to be reunited with Boss Vic and Ma’am Veronique (del Rosario) kasi grabe wala akong masabi. When I was here before, Viva took care of me and gave me the best projects, so, exciting.”

Hindi nga raw naging madali ang naging desisyon ng 32-year old come-backing actress na mag-stay na for good dito pagkatapos ng sampung taong pagtira sa US.

 â€œIt just felt right. Parang you get this feeling na, ‘Okay, binibigyan na kita ng sign na dapat dito ka muna. So take it, I’m guiding you towards this. If this is what will make you happy.

 â€œSince dumating ako masayang-masaya ako. Even sa mga kaibigan ko, ‘yung daddy ko nag-retire dito last year. Nakumpleto rin ‘yung pamilya namin. Tama lang talaga ‘yung feeling na mag-stay ako.”

Ready naman na si Antoinette sa anumang projects na puwedeng ibigay sa kanya ng Viva. Open na raw siya sa mga daring roles, lalo na sa mga kissing scenes.

“I’m not a teenager anymore. Kinakabahan nga ako dahil never pa akong nag-kissing scene sa buong buhay ko. Dahil hindi ako pinapayagan dati.

“Pero ngayon, ‘Ilang taon ka na? Puwede ka na mag-kissing scenes.’ Tapos ang showbiz pa ngayon extra daring. Nagugulat ako sa mga stories.

“I’m proud with the industry, though nagbago na siya. Very Hollywood na ‘yung projects. Kahit mga artista mismo. Everybody’s looking amazing and fabulous fashion-wise.”

Ready nga raw si Antoinette na makatrabaho ulit ang dating boyfriend na si Dingdong. Feel din niyang makatrabaho sila Sam Milby at Xian Lim.

“I’m open to anybody basta magaling umarte. Kasi mahirap umarte ‘pag ‘di magaling ang kasama mo. Hindi ka makahugot ng acting,” pagtatapos pa ni Antoinette Taus.

Kaya sinipa at sinuntok ni Solange, Jay-Z binabalewala si Beyonce gustong sundan sa party ni Rihanna ang designer na si Rachel Roy

Naglabas na nga ng official statement si Beyonce tungkol sa naganap na engkuwentro ng kanyang mister na si Jay-Z at ng kanyang kapatid na si Solange Knowles sa loob ng elevator during the after-party ng Met Ball last May 5.

Nag-leak kasi ang kuha ng CCTV camera sa loob ng elevator kung saan nakitang sinugod ng kalmot, sipa at suntok ni Solange si Jay-Z. Namagitan lang sa kanila ay ang bodyguard ni Jay-Z habang walang ginawa si Beyonce para pigilan ang kapatid.

Heto ang statement mula kay Beyonce:

“As a result of the public release of the elevator security footage from Monday, May 5th, there has been a great deal of speculation about what triggered the unfortunate incident.

“But the most important thing is that our family has worked through it. Jay and Solange each assume their share of responsibility for what has occurred.

“They both acknowledge their role in this private matter that has played out in the public. They both have apologized to each other and we have moved forward as a united family.

“The reports of Solange being intoxicated or displaying erratic behavior throughout that evening are simply false.

“At the end of the day families have problems and we’re no different. We love each other and above all we are family. We’ve put this behind us and hope everyone else will do the same.”

Ayon sa ibang entertainment sites, nagsimula nga raw ang away sa pagitan ni Jay-Z at Solange dahil nagplano si Jay-Z na pumunta sa after-party ni Rihanna na hindi kasama ang magkapatid.

Hindi si Rihanna ang naging dahilan nang pagwala ni Solange kundi ang designer na si Rachel Roy na alam niyang nandoon sa party ni Rihanna.

During the Met Ball napansin nga raw ni Solange na masyadong close si Rachel Roy kay Jay-Z.

“Tensions were high over the rapper’s decision to keep the party going solo at another bash thrown by Rihanna - where he was likely to cross paths with Roy again, this time without the sister’s present,” ayon pa sa isang website.

 

Show comments