Hindi pala masyadong type ng nanay ng isang actor ang isang naging girlfriend ng anak.
Maganda rin daw naman ang girl, pero nagtataka ang nanay ng actor dahil kahit daw mga aso nila sa bahay ay mukhang hindi type ang girl dahil kapag pumupunta ito sa bahay ng actor, tinatahulan siya lagi ng mga aso nila..
Pero nang wala na ang actor at ang girlfriend nito, iyong mga sumunod na naging girlfriend ng actor, kapag pumupunta sa bahay ng actor, hindi naman daw sila tinatahulan ng aso nila.
Hindi kaya kumakain ng aso ang ex ng actor at naaamoy ito ng mga alaga nilang aso?
Cristine tutulong sa Yolanda victims
Inabot daw lamang ng two weeks ang negotiation ni Mr. Dioceldo Sy, may-ari ng Ever Bilena Cosmetics kay Cristine Reyes para maging brand ambassador nila ng line of cosmetics by EB Advance.
“Hindi na sila nahirapang kumbinsihin ako dahil matagal ko nang ginagamit ang Ever Bilena Cosmetics dahil hiyang ako sa mga products nila,†say ni Cristine after na mag-sign siya ng contract as endorser.
“Masaya ako dahil madadagdagan pa ang mga kahon-kahon na supplies ko sa kanila.
“Ako kasi, alam ko nang maganda ako kahit walang make-up, pero kapag nag-make-up ako, alam kong sobrang ganda ko,†may halong birong sabi ni Cristine.
Tahimik ang love life ni Cristine ngayon, pero inamin niyang wala siyang boyfriend pero may mga admirers daw naman siya, pero mas gusto niyang mag-work muna. Pero ayaw muna niyang tumanggap ng bagong teleserye dahil dalawang movies ang tinatapos niya sa Viva Films, ang Trophy Wife at The Gifted. Mas maganda na raw iyong relax siya sa work kaysa mangarag dahil pinagsabay niya ang TV at movies.
Kung siya ang pamimiliin, ano ang gusto niyang project, drama, o comedy? Mas gusto raw niya ang drama na may comedy at sexy on the side. How about posing for another FHM cover? Hindi pa raw niya isinasara ang pagko-cover sa FHM, kung may offer.
Inihayag din ni Christine Gabriel ng Ever Bilena na every compact powder na ibinebenta nila, five pesos sa price nito ay idino-donate nila at nakapagbigay na raw sila ng one million pesos sa Yolanda victims. Ganoon din ang Blackwater na nakagag-donate na rin ng one million pesos sa sales nila.
Nagbigay na rin sila ng payloader para magamit sa pag-rehabilitate ng mga lansangan sa Tacloban.