Buti pa ang sponsors Kinalimutang batiin ang ina ng anak, LJ burado na talaga sa buhay ni Paulo

MANILA, Philippines - Burado nang talaga si LJ Reyes kay Paulo Avelino. Habang ang lahat ay bumabati sa kanilang mga ina kahapon sa ASAP, hindi ito ipinarating ni Paulo sa nanay ng anak niyang si Aki. Nagkaroon kasi ng birthday celebration si Paulo sa Kapamilya Sunday show.

Mas pinasalamatan pa nga ni Paulo ang kanyang mga sponsors at taong tumutulong sa kanyang career, huh! Pero ang madir ng anak, waley!

Gary V. takot mag-asawa ang anak na babae

Nakatagpo na rin ng babaeng pakakasalan si Gabs Valenciano sa katauhan ng modelong si Tricia Centenera. Nagkaroon na rin ng showbiz girlfriends ang anak nina Gary at Angeli pero walang kinahinatnan ang kanilang relasyon.

Until dumating ang graduation ng bunsong ka­patid ni Gabs na si Kiana at saka niya inanunsyo ang engagement nila ng girlfriend. Ipinagmalaki naman ni Tricia ang engagement ring na bigay ni Gabs.

Eh sa ASAP kahapon ay nakantiyawan si Gary na after ng kasal ni Gabs ay ang anak na babae na ang susunod. Tugon ni GV, “After 20 years! Ha! Ha! Ha!”

AiAi damang-dama ang pagmamahal ng mga anak

Touched si AiAi delas Alas sa mensahe ng mga anak na sina Sancho at Sophia tungkol sa pagiging ina niya na ibi­nahagi ng komedyana sa kanyang Instagram account.

Mensahe ni Sancho, “Happy mother’s day to our one and only!!! Hindi lang siya tanging ina sa pelikula pati rin sa totoong buhay! I love you ma!!!”

Mula naman sa baby girl ni Ai na si Sophia, “Happy Mother’s Day mudra, mom, ma, mudrakels, inay, mother! I wish I can fly there for a couple of days just to spend time with you and hug you sooo tight! Thank you for always being there when I need you. You’re my best friend!

 â€œI know we had our ups and downs but thank God we always get through our problems. If you need me, I’m ALWAYS here okay? If someone hurts you, I’m going to be the first one who’s going to protect you and slap that person (not you, Kuya Sancho lol bunso first). Don’t mess with my mumma. I love you ma! I’ll see you soon!”

Waley nga lang mensahe ang anak ni AiAi na si Nikki na dedma sa social media, huh! Lalo na’t baka nagti-training na siya sa U.S. Army, huh!

Show comments