MANILA, Philippines - Ngayong Linggo, makiki-celebrate sa Mother’s Day ang paboritong game show ng bayan, ang Who Wants to be a Millionaire ng TV5 hosted by Vic Sotto, kung saan tampok sa isang special episode ang heartwarming at inspiring na kuwento ng mag-inang Rosemarie Ejada at ng kanyang 12-year-old deaf-mute na anak na si JK.
Matapos magtaÂgumÂÂÂpay sa pinagdaÂaÂnang auÂdiÂtions kamakailan sa Olongapo City, susubukan naman ng mag-ina na maiuwi ang P2 million grand prize ng Who Wants to be a Millionaire? upang maÂkapag-konsulta na si JK sa isang specialist at makatulong din sa iba pang mga deaf and mute children.
Sa episode na ito, bukod sa mamamangha ang viewers sa galing nang pag-intindi ng mag-ina sa isa’t isa gamit ang sign language, maantig din ang kanilang puso sa pagsulyap sa kuwento ng buhay ni Rosemarie at sa kanyang unconditional love at dedication para sa kanyang anak.
Panoorin ang special Mother’s Day episode ng Who Wants to be a Millionaire? ngayong Linggo, Mayo 11, pagkatapos ng PBA games, sa TV5.