Nagwagi sa isang monthly contest para sa Vube.com ang YouTube singing sensation na si Aldrich Lloyd Talonding na nakilala dahil sa pag-awit niya ng Dance With My Father at ikinamangha ng TV host na si Ellen DeGeneres noong nakaraang taon.
Kailan lang ay nanalo si Talonding ng $15,000 dahil sa video na ginawa nila ng kanyang pinsang gitarista na si James Walter Bucong. Ito ay ang worship song na Rooftops ng Jesus Culture.
Nakakuha ng 34,000 likes ang video sa buwan na ito kaya sila ang nanalo ng premyo.
May tatlong videos pang ginawa ang dalawa na pumasok sa Top 50 videos kaya nanalo pa sila ng extra prize na $1,080.
Kung matatandaan ay sobrang natuwa si Ellen sa talent ng magpinsan kaya niregaluhan niya ang mga ito nang isang keyboard, isang gitara at cash gift na $10,000.
Ngayon ay guminhawa na ang buhay ng magpinsan dahil nagamit nila sa maganda ang talento na pinagkaloob sa kanila ng Diyos.
Beauty maker may kampanya para sa magaganda
Ni-launch ng beauty maker at talent manager na si Jonas Antonio Gaffud ang kanyang advocacy project na Project Beautiful You.
Ayon sa nag-discover sa mga beauty queens at mga naging runners-up sa Miss Universe na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon, at Ariella Arida na naisip niyang gawin ang advocacy na ito para mas maintindihan ng marami ang malaking tulong na nagagawa ng mga local beauty pageants sa maraming babae na may pangarap sa buhay.
Ilang beses na kasing naimbitahan bilang judge si Jonas sa mga local beauty pageants sa iba’t ibang probinsiya at nakikita niya ang effort ng bawat kandidata dahil gusto nilang manalo para makatulong sa kanilang pamilya.
“Ilang candidates na ang nakausap ko at karamihan sa kanila ay sumasali sa mga pageants dahil gusto nilang makatulong sa kanilang pamilya.
“In my 13 years of experience sa beauty pageants, iba-iba ang rason ng isang babae kung bakit sila sumasali sa isang beauty pageant. Pero karamihan ay gustong guminhawa ang buhay ng pamilya nila. Bukod kasi sa cash prize ay may mga mauuwi pa silang mga bigas, de lata at kung anu-ano pang groceries na malaking tulong nga naman.
“Yung iba ginagamit ang cash prize para sa pang-aral nila o ng kapatid nila.
“Maraming rason kaya ito ang gusto naming ipaliwanag sa marami na ang kagandahan ay hindi lang panlabas kundi mas importante ang kagandahan ng kalooban,†paliwanag pa ni Jonas.
Meron na ngang website ang Project Beautiful You (www.projectbeautyfulyou.com) para magkaroon ng chance ang bawat kababaihan na makapag-interact sa mga beauty queens at mai-share ang kanilang istorya sa buhay.
“Walang madali sa buhay natin. Lahat tayo dumaraan sa pagsubok and that challenge make us all beautiful kapag napagwagian natin ito.â€
Pinagdarasal ni Jonas na sana ay lumaki pa ang community ng Project Beautiful You, para sa ikabubuti ng maraming kababaihan.
Litrato ng menor de edad na anak ni Will Smith na may kasamang lalaki sa kama, kalat na!
Kumalat sa Internet ang photo ng 13-year old daughter nila Will Smith at Jada Pinkett-Smith na si Willow Smith kasama ang 20-year old Disney star na si Moises Arias. Makikita sa kumakalat na larawan na magkasama ang dalawang bagets sa kama.
Wala naman daw masasabing sexual sa naturang photo dahil hindi naman sila magkapatong o naghahalikan. Pareho lang daw silang naka-pose sa kama at may kumot na nakatakip sa kanila.
Hindi rin daw matatawag na criminal offense ang photo ng dalawa pero marami ang nagsasabi na “creepy†ang dating nito.
Nang hingan ng comment ng TMZ ang parents ni Willow na sina Will and Jada, wala naman daw silang nakikitang masama sa naturang photo. Naniniwala sila na “very mature†na ang kanilang anak na gumawa ng mga desisyon nito sa buhay.
Para sa kanila ay innocent fun lang daw ang ginawa nila Willow and Moises sa litrato and no-thing sexual.
Kilala naman daw nila si Moises dahil best friend ito ng kanilang 15-year old son na si Jaden Smith.
Kaya wala silang anumang issue sa kumalat na photo.