What you see is what you get daw Rocco gustong itago ang totoong status nila ni Lovi

MANILA, Philippines - Fresh na fresh ang looks ng Kapuso actor na si Rocco Nacino nang humarap para sa launching niya as the latest addition of celebrity endorsers ng Nisce Skin n’ Face along with Kapuso stars Bela Padilla and Rafael Rosell.

Kagagaling lang ng aktor sa bakasyon mula Europe kung saan nakasama niya ang special girl ng buhay niya ngayon na si Lovi Poe. Halatang nakapag-recharged kaya fresh at ang ganda ng aura niya.

At dahil nga halatang inspirado at in love ay naitanong na rin namin ang real score sa kanila ni Lovi.

“We’re not saying anything. Itong matter na ‘to, we want to keep it private.

“Well, kitang-kita naman na we’re proud of what’s happening with us.  So, ano… the thing is we just wanna keep it to ourselves lang.

“Siyempre lahat, alam na ng mga tao! But then, this is one thing na we can treasure.

‘What you see is what you get. We want to keep our personal to ourselves na lang. 

“Hindi naman kailangang pag-usapan palagi e, kasi tao lang din naman kami.

“Basta kung ano yung nakikita ninyo sa aming dalawa ni Lovi, iyon na ‘yon!” pahayag pa ni Rocco.

Nagkaroon daw sila ng chance mag-bonding ni Lovi at marami nga silang na-discover sa isa’t isa kaya looking forward silang muli sa mga susunod nilang trips abroad. Super worth it bagama’t magastos daw ang biyahe kaya kailangan nila ulit mag-ipon.

“At ngayon, pagbalik namin, parang may motto na rin kami na ‘work hard to travel.’ 

“At least, gutom kami na magtrabaho ngayon. 

“And nalaman namin na, through travelling, nakaka-recharge ng spirit at ng sense of ano… yung work ethics.

“At saka ‘yung pagiging enthusiastic sa trabaho.  It makes you richer inside na, in your mind, you come back na refreshed ang sarili mo,” masayang kuwento pa ni Rocco.

Next destination daw nila ang Asia, Asian Cruise, at L.A.  pero Japan ang nasa top list nila ni Lovi.

Looking forward din siya sa Cinemalaya entry nila ng Superstar na si Nora Aunor na Hustisya sa direksyon ni Joel Lamangan.

                                             

Show comments