^

Pang Movies

Gov. E.R. maraming natulungang negosyante sa Palarong Pambansa

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

‘Wag nang magtaka ang mga nagpupunta ng Laguna Province ngayon, mula Cabuyao-Crossing, Calamba, Los Baños, Pagsanjan-Sta. Cruz na pagkatapos ng linggong ito ay medyo maluwag-luwag na ang daraanan dahil ang pinakasentro ng mabigat na daloy ng trapiko ay ang pinaka-kapitolyo ng Laguna, ang bayan ng Sta. Cruz.

Narito kasi ang kanilang Laguna Sports Complex, isa sa pinaka-malaking Sport Complex sa Brgy. Bubukal. Dito laging makikita at makakausap ang Ama ng Laguna, walang iba kundi ang governor na si Gov. E.R. Ejercito.

For the first time sa ilalim ng kanyang pamumuno, idinaos ang Palarong Pambansa sa Laguna noong Mayo 4 at matatapos sa Mayo 10, 2014.

Kaya hindi mahulugan ng karayom ang lugar na pinagdarausan ng Palarong Pambansa dahil sa sobrang dami ng tao. Galing kasi sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ang mga manlalaro ng iba’t ibang sports, idagdag pa ang mga sports officials, celebrity guests, at mga taong sikat sa iba’t ibang larangan ng palakasan tulad ng volleyball, basketball, martial arts, at iba pa.

Si Gov. E.R., bilang host ay ginawang unforgettable ang lugar na pinagdarausan ang Palarong Pambansa. Isa ito sa pinakamagandang nangyari sa Brgy. Bubukal, Sta. Cruz na kung saan ay nagkaroon ng pagkakakitaan ang mga negosyante. Iba’t ibang uri ng paninda at pamosong bilihing produkto ng Sta. Cruz, at humahataw ang mga tricycle, mga pampasaherong jeep at iba pa. Ang laki ng kanilang pasasalamat sa kanilang ‘tatay’ na si Gov. E.R. Ejercito.

Batchmates naglalakihan ang boobs at puwet

Nakakatuwa ang grupo ng mga dalaga na first time humarap sa entertainment press. Tinawag silang Batchmates na binubuo nina Aura, Cath, Jonah, Marie, Sophy, at Vassy.

Ito ay sa kagustuhan ng kanilang manager na si Lito de Guzman na matulungan ang grupo sa launching ng kanilang album na dugo, pawis, at luha ang kanilang ipinuhunan. Self-titled ang pangalan ng kanilang kauna-unahang album.

Napakahusay nila at talented, magaganda at sexy, wala kang maitulak-kabigin. Sayaw at kanta ang kanilang inialay sa mga press people. Kahit mga kafatid, tulo-laway, pati kami ni katotong Reggie Bonoan, napapa-A-E-I-O-U sa Batchmates kasi ang sesexy at ang gaganda ng fez. Umiindayog pa ang kanilang mga boobs, bale nakakaangat ng puwet ang mga kanta nila tulad ng Feel Like Dance, (revival) Boom, Boom, Para Boom, ‘Di na Mahal, Giling, at Hora na pawang komposisyon ni Kazuhiro Watanabe na composer din ng MYMP. May version rin sila ni Blanktape na kumanta ng Jejemon at Chika Lang Yon.

May Padi’s Point Tour ang mga chikababes, at favorite performers sila sa Malaysia at Singapore. May bansag pa nga sila na “New Breed of Filipina Performers.”

BATCHMATES

BRGY

BUBUKAL

CHIKA LANG YON

CRUZ

EJERCITO

KANILANG

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with