Alice at Jackielou hindi ini-expect ang galing ni Sarah

Nagandahan kami sa Mother’s Day presentation ng TV5 titled More Than Words, tampok sina Alice Dixson, Sarah Lahbati, Jackielou Blanco, Ariel Rivera, at Carl Guevarra.

Magagaling ang lahat ng artista kung saan isang rebelasyon si Sarah, dahil magaling siyang umarte at hindi OA. Kaya naman napaiyak si Sarah nang purihin ang kanyang akting ng mga kasamahang artista. Sabi ni Alice, magaling si Sarah kahit pa sa mabibigat na eksena. ‘‘She’s a sensitive actress.’’

Ayon naman kay Ja-ckielou isang magaling na aktres si Sarah at magaang katrabaho.

Naging emotional si Sarah nang marinig ang mga papuri.

“Nakakataba ng puso ‘pag pinupuri ka lalo na ng magagaling na artista,” sabi niya.

Sa direksyon ng award-winning director na si Jon Red mapapanood ang More Than Words ngayong May 11 sa ganap na 9 p.m. sa TV5.

Alice, pinaghandaan ang karakter

Magaling si Alice Dixson sa karakter na bulol na may kapansanan sa pagsasalita. Makatotohanan nitong nailarawan ang papel ng isang ex-convict na nagbenta ng anak sa mayamang pamilya.

Deglamourized siya rito pero litaw pa rin ang ganda.

Ayon sa aktres noong una, feeling niya weird ang karakter pero binasang mabuti ang script.

Sa kabilang banda, tinanong namin ang aktres kung ano ang katangian ng kanyang ina at ano ang natutunan niyang magandang asal na ibinahagi sa kanya.

‘‘She’s a loving mother. Malaking bagay na natutunan ko sa kanya ang pagiging independent ko. Kaya nang lumaki at nagkaisip nakakatayo akong mag-isa.’’ anang aktres patungkol sa nalalapit na

Jackielou nadala sa emosyon

May confrontation scene sina Jackielou at Sarah kung saan ipinagtapat nito na inampon lang niya ang young actress dahil baog siya.

Lahat kasi ng frustration nito ay naibuhos sa anak-anakan. Matapos ang confrontation scenes at galit na sumambulat kay Jackielou, gusto niyang yakapin si Sarah dahil nadala siya sa emosyon at galing nitong umarte.

Show comments