Mabilis ang naging proseso ng paglipat ni Martin del Rosario sa GMA 7. Yes, mula sa ABS-CBN ay isa na siyang Kapuso talent at bilang unang proyekto, isinama na siya sa cast ng Rhodora X and in fact, kahapon ay sumalang na agad siya sa kanyang first taping day na ginanap sa Cavite.
Ayon kay Martin nang makatsikahan ng press sa set visit kahapon, nagpaalam naman daw siya nang maayos sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula at naging bahay din nito sa loob ng anim na taon.
“Kasi ako po talaga, kinausap ko po nang maayos ang ABS-CBN (executives), sina tita Cory (Vidanes), tita Mariol (Alberto), and Direk Lauren (Dyogi).
“Kinausap ko po sila na ang pinakagusto ko po talaga is for career advancement para bago naman. Kasi ang tagal ko na rin sa ABS-CBN, mga six years na. So, nag-set ako ng meeting a month ago,†kuwento ni Martin.
Bale ang nangyari ay nagpa-release raw siya sa ABS-CBN dahil may isang taon pa siyang natitira sa kanyang kontrata.
“Nagpa-release ako kasi parang tingin ko, mas mabibigyan ako ng. . .kasi habang bata pa ako, sayang ang oras kung matatapos ang kontrata ko,†he said.
Pumayag naman daw ang management kaya heto, nandito na siya ngayon sa Kapuso. Pero say niya, wala pa naman daw siyang pinipirmahang kontrata and kung baga, ito pa lang Rhodora X ang first step.
Sa tingin ba niya ay mabagal ang naging takbo ng career niya sa ABS-CBN?
“Natutuwa po ako na nabibigyan nila ako nang maraming breaks pero siguro, sa sobrang dami rin po nang artista nila kaya halimbawa, pagkatapos ng isang show, matagal kang matetengga kasi parang sa isang bagong artista, mahalaga kasi na kailangan kang i-push nang i-push para ma-establish ka.
“So, feeling ko, ang GMA7 ang parang may opportunity for me na mabigyan ako ng break na makakapag-establish ako.â€
Ayon pa kay Martin, once lang siya nabigyan ng lead role sa ABS-CBN at parating support na lang daw ang naibigay pagkatapos. Sa paglipat niya sa GMA 7, hopefully ay maging lead actor siya at mas ma-push pa nang husto.
Si Arnold Vegafria na rin ang nagma-manage sa kanyang career ngayon at hindi na ang Star Magic.
Sa Rhodora X ay misteryoso ang karakter ni Martin at siya bale ang tutulong sa karakter ni Yasmien.
Dahil nga first taping day pa lang niya ay hindi pa sila gaanong magkakilala ni Yasmien. First time nilang magkita kahapon although kilala naman daw niya ang aktres bilang Starstruck member.
Mark natakot imbitahan si Ynna sa binyag ng anak
Na-reset ang pagpapabinyag ni Mark Herras sa kanyang six-months-old baby girl na si Ada. Dapat ay May 11 ito pero nalaman daw niyang sabay-sabay pala ang mga bata na binibinyagan ‘pag Sunday.
Gusto raw niyang private lang na binyagan kaya inurong niya ito ng May 14. Hindi raw niya ipapa-cover bilang gusto nga niya na maging pribado lang ito.
Pero take note, 80 lahat ang ninong at ninang kaya biniro namin si Mark na parang ginawa niyang fund-raising ang binyag ng anak.
Kasama sa ninong at ninang ang lahat ng ka-batch niya sa Startruck 1, kasamahan niya sa Sunday All Stars at mga kapwa-Kapuso talents.
Siyempre, kasama ang co-stars niyang sina Jen and Yasmien bilang ninang pati na rin ang best friend niyang si Ranier Castillo na ayon kay Mark ay magbabalik na raw ulit sa GMA 7.
When asked kung iimbitahin niya sa binyag ang ex-girlfriend na si Ynna Asistio, say niya, siyempre ay hindi na, for delicadeza baga.