^

Pang Movies

Benefit concert nila Lea at iba pang Pinoy/Phil-Am artists sa US para sa mga binagyo, kasado na!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Makakasama ni Lea Salonga ang Glee star na si Darren Criss, ang Grammy Award-winning violinist na si Joshua Bell, ang Hollywood actor na si Lou Diamond Phillips, ang tenor na si Rodell Rosel, ang ballet dancer na si Christine Rocas at ang Black Eyed Peas singer na si Apl.de.ap sa isang benefit concert para sa victims ng typhoon Haiyan (Yolanda) titled After the Storm.

Magaganap ang naturang benefit concert sa Kennedy Center for the Performing Arts in Washington D.C. on June 15.

The concert is being held in cooperation with the U.S.-Philippines Society and the Philippine Humanita­rian Coalition. Mula ito sa direksyon ng Broadway legend na si Baayork Lee; and produced by Emmy-nominated producer, Robert Pullen.

Ipapakita rin sa naturang concert ang series of video messages of hope mula sa maraming celebrities at kilalang personalities sa buong mundo.

“The road ahead for people in communities that were devastated by typhoon Haiyan is not going to be easy and this concert is our way of helping them rebuild their lives,” saad pa ni Ambassador Jose L. Cuisia, Jr.

Elmo nagpapaka-aktor

Bibida si Elmo Magalona sa kauna-unahan niyang indie film na isa sa magiging entries sa Cine­malaya Independent Film Festival.

Ang naturang indie film na may titulong #Y ay ididirek ni Gino Santos na gumawa ng impressive directorial debut via the Cinemalaya entry noong 2012 na The Animals.

Kuwento ni Elmo ay inalok sa kanya ang role sa #Y at nagustuhan nga raw niya ito. Pagsisisihan daw ni Elmo kung sakaling tanggihan niya ito.

Magandang birthday gift kay Elmo ang naturang indie film dahil patunay lang na ready na siyang sumabak sa mga mature roles.

“I just turned 20-years old and I am slowly prepa­ring myself for more challenging roles.

 â€œMas ini-embrace ko na ngayon ang maging isang actor. Before, hindi ko pa alam ang gusto kong gawin, eh. Now, I really want to be a good actor.”

Extended nga hanggang June ang Villa Quintana na ikinatuwa naman ni Elmo. Kine-credit nga niya ang kanyang pagganap bilang si Isagani dahil naging serious siya sa pag-arte dahil sa naturang teleserye.

Bagong Star Wars movie, sinisimulan nang gawin

Nabuo na ng Hollywood director na si J.J. Abrams ang bagong cast ng sci-fi adventure film na Star Wars: Episode VII.

Ito nga ang continuation ng film classic na Star Wars na unang dinirek ni George Lucas noong 1977.

Ang bumubuo ng cast ay sina John Boyega, Daisy Ridley, Adam Driver, Oscar Isaac, Andy Serkis, Domhnall Gleeson, and Max von Sydow.

Makakasama pa rin ang original Star Wars cast na sina Harrison Ford, Carrie Fisher, Mark Hamill, Anthony Daniels, Peter Mayhew, and Kenny Baker in the new film.

Bukod sa pagbalik ng mga beloved characters ng Star Wars na sina Luke Skywalker, Princess Leia, at Han Solo, magbabalik din sina Chewbacca, C-3PO at R2-D2.

Ang release nga ng Star Wars: Episode VII ay sa December 18, 2015.

vuukle comment

AFTER THE STORM

AMBASSADOR JOSE L

ANDY SERKIS

ANTHONY DANIELS

BAAYORK LEE

BAGONG STAR WARS

BLACK EYED PEAS

ELMO

STAR WARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with