MANILA, Philippines - Pinutol pansamantala ang 60th birthday celebration ni Vic Sotto kahapon sa Eat Bulaga upang bigyan ng ilang minuto ang coverage ng GMA 7 ng pagdating ni U.S. President Barack Obama sa Malacañang. Pero bumalik din ang selebrasyon matapos kumamay sa ilang empleyado ng Malacañang ang pinuno ng Amerika.
Nagsimula ang selebrasyon ng birthday ni Vic sa The Ryzza Mae Show kung saan kachikahan ni Ryzza ang Sotto brothers na sina Tito, Val, at Maru. Ipinakita rito ang ilang video clips nu’ng bata pa sila. Pati ang kinamumuhiang kanta ni Vic na kinakanta ni Maru ay sinampol ng dating asawa ni Ali Sotto.
Then, sa opening number pa lang ng Bulaga ay present na si Vic. Sinundan ‘yon ng pag-blow ni Bossing ng birthday candles sa ilang cakes.
Nagbigay ng bracelet na regalo si Ryzza at sinundan ‘yon ng pagbasa niya ng personalized letter kay Vic. Pagkatapos ay cry ang Aling Maliit na nagpapasalamat sa pagtupad ng Bossing ng pangarap niyang bahay at lupa. Hindi nga lang muna binuksan ang kahon na regalo niya kay Vic, huh!
Hindi nga lang pumiktyur si Pauleen Luna sa selebrasyon. Ang ilan sa unang batch ng EB Scholars ang mga bumati kay Bossing. Kasabay nito ang paglungsad ng batch 2 ng EB Scholars para sa pasukan sa 2014.
Sa bandang huli ng programa, binuksan ni Vic ang regalo ni Ryzza na isang trophy kung saan iba’t ibang awards ang nakalagay doon, huh! Ang request naman niyang regalo mula sa tao ay isang lapis at isang papel para ipamahagi sa darating na pasukan.
Mel at Korina tinapos na ang ‘away’
Nakakatuwang nakunan ng picture na magkasama sina Mel Tiangco at Korina Sanchez sa Vatican City para sa coverage nila ng pagdeklara sa dalawang bagong santo ng Simbahang Katolika. Patunay na walang namamagitang bad blood sa kanilang dalawa kahit magkatapat ang news program nila.
Dating magkasama sa ABS-CBN sina Mel at Korina. Pumalit si Korina sa posisyon ni Mel nang lumipat ang huli sa Channel 7. Naglabasan ang sari-saÂring tsismis dahil sa pagkawala ni Mel at pagpalit sa kanya ni Koring.
Pero sabi nga, picture speaks a thousand words kaya wala na sigurong mang-iintriga sa dalawa, huh!
Direktor yumaman nang iwan ang showbiz
Inspiring ang success story ni Anton Broas, isang educator-businessman-director na kaibigan ni Paolo Ballesteros. Galing siya sa hirap at plinano talaga ang pag-unlad at nagtagumpay naman siya.
Pumasok sa kaalaman ng showbiz si Anton nang idirek niya ang unang Miss Beauche International last year at nakasama ang owner ng Beauche na si MaÂdame Che sa Christmas party niya para sa entertainment press.
Nagpu-produce rin kasi ng stage plays si Anton. Nagbida nga si Paolo sa isang play na siya ang writer, director, producer, at marketing man, huh! Kumita naman ito pero mas lamang ang pagod kesa sa kita.
Kaya naman nag-isip siya ng iba pang pagkakakitaan. Naging bahagi siya ng St. Louis Review Center sa Baguio and eventually, naging part owner siya. Then, pinasok niya ang distribution ng Beauche products at ngayon ay marami na siyang kiosks sa SM Malls, huh!
This early, pinaghahandaan na ni Anton ang 2nd Beauche Miss International na gaganapin uli sa December.