^

Pang Movies

Cedric Lee panay pa rin ang tawa kahit nakaposas na pumunta sa DOJ

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Umapir kahapon si Cedric Lee sa Department of Justice  sa hearing ng tax evasion case na isinampa ng BIR laban sa kanya.

Naka-posas si Cedric nang dumalo siya sa hea­ring kaya napansin ko na nasa harap niya ang posas at wala sa likod.

Sa Amerika at sa ibang mga bansa, masyadong partikular ang mga pulis sa paglalagay ng posas sa mga akusado.

It’s a must na nasa likod ang mga nakaposas na kamay  dahil may mga insidente na may kakayahan ang mga kriminal  na makapanakal ng tao kapag  kapag nasa harap ang posas.

Napansin din ng mga reporter na nag-cover nang  pagpunta ni Cedric sa DOJ ang kanyang madalas na pagngiti.

Ang feeling nila, likas na jolly person si Cedric kaya always smiling siya kahit mabigat ang mga pagsubok na pinagdaraanan niya.

Puwede rin na positive thinker si Cedric na ho­ping na malalampasan niya ang mga asunto ni Vhong Navarro laban sa kanya.

Pres. Obama 22 hours lang sa ‘Pinas

Matangkad na lalaki pala si U.S. President Barack Obama na parang ang bait-bait ng mukha nang dumating siya kahapon sa Pilipinas.

Natuwa ang mga empleyado ng Malacañang Pa­lace dahil nakipag-shake hands sa kanila ang pinaka-powerful na tao sa buong mundo.

Aliw na aliw si Papa Barack habang pinapanood niya ang mga musician na tumutugtog, gamit ang mga musical instrument na gawa sa kawayan.

Sandali lamang si Papa Barack sa Pilipinas dahil hindi lalampas ng 24-hours ang stay niya sa ating bansa. After 22-hours, lilipad na siya pabalik sa Washington DC.

Protesters shocking ang ginawa sa Mendiola

Habang inaasikaso ni P-Noy si Papa Barack sa loob ng Malacañang Palace, aligaga naman sa panggugulo sa Mendiola Bridge ang mga nagpoprotesta sa pagbisita ng pangulo ng Amerika sa Pilipinas.

Shocking ang ginawa ng  mga protester na isa-isang inalis ang mga harang na may nakapulupot na barbed wires. Ganoon na ba talaga sila katapang? Naniniwala sila na mapapasok nila ang Malacañang Palace kesehodang nakaharang ang napakaraming bilang ng mga pulis na well-trained sa mga demons­trasyon?

Live na napanood sa TV ang mga nangyari kahapon sa Mendiola Bridge at nakalulungkot ang mga eksena dahil puwede naman na magdaos ng kilos-protesta at ipahayag ang kanilang mga damdamin na walang nasasaktan o nasusugatan.

Mga anak ni Herbert pinigilan ang forever kay Kris

Sunud-sunod ang big news na nangyari simula noong weekend, ang pagkakadakip kina Cedric Lee at Zimmer Raz, ang canonization ni Saint John Paul II at  Pope John XXIII, ang pagdalaw ni Papa Barack sa ating bansa, etc.

Natabunan ng mga nasabing balita ang isyu ng tila napurnada na love affair nina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

May tsismis na malaki ang kinalaman ng mga anak ni Herbert kay Mayora Tates Gana kaya mala­bo na mauwi sa forever ang relasyon nila ni Kris.

Anak ni Dennis Roldan pasok sa PBB

PBB housemate pala si Michelle Gumabao, ang anak ni Dennis Roldan at ng former model na si Lolie Imperial.

Sa bihirang pagkakataon, nagpakita si Lolie sa publiko nang ihatid nila ni Dennis sa PBB house ang kanilang anak na mahusay na volleyball player.

Ang sabi ng mga nakapanood kay Lolie sa TV, magandang-maganda pa rin siya. Si Lolie lang ang babae na pinakasalan ni Dennis na handa nang magbalik-showbiz.  Isa si Lolie sa mga sikat na  modelo noon na nagtataglay ng magandang mukha.

vuukle comment

CEDRIC

CEDRIC LEE

DENNIS ROLDAN

MALACA

MENDIOLA BRIDGE

PAPA BARACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with