May haters at bashers nga raw sa kanyang Twitter account ang mapaglarong male celebrity na ito.
Kung anu-ano kasi ang mga pinagpo-post niya sa kanyang Twitter account na hindi nagugustuhan ng marami.
Karamihan daw ng haters niya ay parents ng bagets na sumusunod sa tweets ni male celebrity.
May grupo na nga ng parents na sumulat na sa TV network, kung saan talent ang male celebrity para isumbong ang mga pinaggagawa nito sa Twitter.
Natawa na lang ang male celebrity dahil ginagawang big deal ng ilang tao ang tweets niya. Simple lang naman ang solusyon—huwag siyang sundan at wala silang makikita.
“Kung ‘yung mga artista ngang ka-tweet ko hindi nagre-react at natatawa lang sila, bakit sila sobra kung makapag-react?
“Kelan pa sila naging guardian of morals? May MTRCB na ba sa internet ngayon?
“Sino ba nagsabing makialam sila sa Twitter account ko? Ang pagsabihan nila ay ang mga anak nila. Sila ang sumusunod sa mga tweets ko. Madali lang naman na i-unfollow ako, eh.
“Baka nage-enjoy din sila sa mga pinu-post ko. Kung ayaw nila, isang click lang naman ‘yan. Basta ako, katuwaan lang lahat.â€
Para sa male celebrity, sariling page niya iyon sa Twitter kaya walang puwedeng magdikta kung ano ang puwede niyang isulat at ilagay na litrato.
Malaya nga naman daw niyang gawin iyon hindi lang sa Twitter kundi pati na sa ibang social media pages niya na Instagram at Facebook.
Gab sinubukan ang suwerte sa America’s Got Talent
Nag-audition nga para sa America’s Got Talent ang anak ni Gary Valenciano na si Gab Valenciano.
Ang naging audition piece nga raw ni Gab ay ang viral video niya na kanyang ginamit sa Super-Selfie series na patok na patok sa YouTube. Si Gab kasi mismo ang nagdidirek at nagi-edit nito.
Naka-base sa Florida si Gab dahil doon niya pinili na mag-aral at kung papalarin ay makapagsimula siya ng magandang career in music.
Nasubukan na nga ni Gab ang maging musical scorer sa indie film ni Jericho Rosales na Alagwa.
Kailan lang ay umuwi si Gab dahil isa siya sa mga nag-perform sa concert ng kanyang amang si Gary sa 30th anniversary concert nito na Arise sa Smart Araneta Coliseum.
Wala namang kinumpirma si Gab kung pumasa ba siya sa kanyang audition.
Magsisimula ang new season ng AGT sa May 27.
George Clooney, ikakasal na!
Mukhang matutuldukan na ang pagiging longtime bachelor ng Hollywood actor-producer-director na si George Clooney.
Engaged na nga ang 52-year old actor sa kanyang 36-year old British lawyer-girlfriend na si Amal Alamuddin.
Nakita ang dalawa na nagdi-date sa Nobu restaurant in Malibu, California at namataan si Amal na suot ang isang kumikislap na engagement ring.
Kasama nilang nag-dinner sa Nobu ang mga kaibigan nilang sina Edward Norton, Cindy Crawford at ang mister nitong si Rande Gerber.
Nakita raw si Amal na pinapakita ang singÂsing kay Cindy.
Marami na ngang nakarelasyon sa Hollywood si Clooney, kabilang sina Kelly Preston, Renee Zelwegger, Lucy Liu at Stacy Keibler.
Nang hingan ng comment ang rep ni Clooney, sinagot lang nito ay: “I don’t comment on my client’s personal life.â€
Nagsimulang mag-date sina George at Amal noong October 2013.