Carla hindi na napiga tungkol kay Geoff
Sa kabila ng pakiusap ni Mother Lily na huwag nang tatanungin si Carla Abellana tungkol sa kanyang love life, after all ang press conference na iyon ay para sa kanyang pelikulang So It’s You, hindi pa rin napigilan ang press. Iyon kasi talaga ang medyo mainit na issue.
Inamin din naman ni Carla na alam niyang hindi niya maiiwasan ang mga ganoong tanong. Sinabi niyang oo tapos na nga, at slowly nagmo-move on na siya. Pero nang tanungin siya kung may bago na bang umaaligid para manligaw sa kanya, ang sagot niya ay “Wala. Honestly walaâ€.
Pagkatapos naman noon ay wala na ngang nagtanong tungkol sa issue na iyon, at ang napag-usapan na ay ang ginawa nilang pelikula. Siguro dahil marami rin ang impressed sa ipinakita nilang full trailer noong So It’s You. Ang tingin namin ay parang iyong mga mahuhusay na pelikula noong araw na kung tawagin ay “glossy filmâ€. Ibig sabihin, isang pelikulang pinagkagastusan at pinag-isipang gawin. Iyang mga ganyang pelikula sana ang kailangan natin. Hindi kailangang maging malalim ang kuwento, at lalo namang hindi dapat na isang depressing drama, pero mahusay ang pagkakagawa, iyan ang mas gusto ng masa.
Natatandaan ba ninyo iyong mga love stories na ginawa noon nina Sharon Cuneta at Maricel Soriano? Ganoon ang dating ng So It’s You.
Dahil romantic-comedy ang kuwento, palagay namin magugustuhan ng publiko, at ang isa pang advantage, iyong kantang kanilang ginamit at title rin ng pelikula ay isang hit song mula sa isang hit na pelikula noong early eighties. Ibig sabihin, iyong kantang iyon mismo ay may followers na. Sa nakita namin, mukhang nasa pelikulang ito ang lahat ng elemento para sa mag-hit.
Tom nagpakita ng katalinuhan
Noon ding press conference na iyon ng So It’s You, binato ng mga nakaka-intrigang tanong si Tom Rodriguez, pero magaling siyang sumagot. Nasagot niya ang lahat nang walang bahid ng intriga.
Sabi nga ng isang kasama namin, “matalino naman kasi talaga iyang si Tom eh, at ang importante pa may urbanidadâ€.
Iyon ang madalas na hindi mo makita sa mga artista, iyong urbanidad. Sasagot sa tanong, alam mo namang nagpapalusot lang, o kung minsan naman magtataray at dadaanin sa tapang, pero alam mo naman na niloloko ka sa mga sagot nila. Si Tom, maaayos niyang naiwasan ang mga intrigang ibinato sa kanya. Ang maganda pa, nasagot niya ang mga tanong nang may respeto. Kaya makikilala mo naman talaga kung sino ang may magandang breeding eh.
Kahit inalok na ng mamahaling kotse at tumira sa kanyang condo, aktres inayawan ng poging aktor
Malaki daw pala ang nagastos ng controversial female star sa kanyang pagpapantasya sa isang poging aktor. Hindi noon tinanggap ang iniaalok niyang X5. Hindi rin tinanggap ng aktor ang kanyang offer na tumira na lang sa kanyang condo sa BGC kaysa sa umupa ng condo. Pero ang totoo pala, marami rin siyang naibigay na regalo sa poging celeb na kung susumahin mo ay aabot sa malaking halaga.
Pero iyon nga ang mali niya eh. Hindi naman kasi lahat ng lalaki maaaring masilaw sa pera niya.
- Latest