Pamilyang iniwan ng nangaliwang ama, may karapatan pa ba sa sustento?
MANILA, Philippines - Paano kung nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng mag-asawa, may karapatan pa bang humingi ng sustento ang babae sa mister para sa kanilang anak?
Iyan ang bibigyang-linaw ni Ted Failon ngayong Sabado (Abril 26) sa “Failon Ngayon†kung saan tatalakayin niya ang mga batas patungkol sa pagsusustento sa pamilya.
Bubusisiin din sa programa, na kamakailan ay nagwagi ng bronze world medal sa 2014 New York Festivals, kung kailan dapat isagawa ang ‘citizen’s arrest’ o ang pagdakip ng mga sibilyan sa isang taong naaktuhan nilang gumagawa ng krimen.
Magbibigay din ng update si Ted tungkol sa episode nito noong Enero 18 kung saan itinampok ang mga bus company na may nakabibinbin pang kaso dahil sa mga kinasangkutang aksidente ngunit patuloy pa rin ang pagpasada.
Tampok din sa “Failon Ngayon†ang pinaniniwalaang utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles na kamakailan ay naghayag ng kagustuhang ilantad ang buong nalalaman sa pagkawaldas sa P10 bilyong pera ng publiko na kinasasangkutan ng ilang mambabatas.
- Latest