^

Pang Movies

Winwyn Marquez at EB My Foreignoy nagka-inlaban

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa panahon ngayon, maraming pagkakaibigan at pag-iibigan ang nabubuo sa internet sa pamamagitan ng chat, email, at social media. Ngayong Sabado, panoorin ang isang tunay na kuwento ng pag-ibig na nagsimula sa isang social networking site sa weekend romantic program na Wagas.

Pinagbibidahan ng Kapuso star na si Winwyn Marquez kasama ang Eat Bulaga My Foreignoy grand winner na si Gui Adorno, tampok sa Wagas ang masaya at nakakaantig na pag-iibigan ng mag-asawang Joreen at Sam Trostle.  Hindi akalain ni Joreen na ang pagpo-post niya ng kanyang mga litrato sa isang website ang magiging daan para makilala niya si Sam, isang matangkad, guwapong Amerikano na kabilang sa US Navy.

NBSB or “No Boyfriend Since Birth” si Joreen at mababa ang self-esteem niya lalo na sa larangan ng pag-ibig dahil sa naranasang pangungutya sa kanya dahil sa pagiging maitim at pagkakaroon ng kulot na buhok. Dahil dito kaya inisip ni Joreen na hindi naman siya seseryosohin ng gwapong si Samuel. Hindi niya gaanong pinagtuunan ng pansin ang Amerikanong gandang-ganda naman pala sa kanya.

Hindi nagtagal, pareho na silang may nakilalang iba kahit na lihim pa rin pala nilang gustung-gusto ang isa’t isa.

Pagkaraan ng ilang taon, may malaking dagok na nangyari sa buhay ni Joreen, pati na rin kay Samuel. Ang mga pagsubok na ito ang naging dahilan para muli nilang matagpuan ang isa’t isa at ipagpatuloy ang na-unsyaming relasyon. Sa pagkakataong ito, handa na nilang tanggapin ang tunay na pagmamahal. Handa na rin silang magmahal nang tunay.

Abangan ang kuwento ng tunay na pag-ibig nina Joreen at Samuel Trostle. sa Wagas, sa April 26, 7 p.m. sa GMA News TV.

vuukle comment

ABANGAN

EAT BULAGA MY FOREIGNOY

GUI ADORNO

JOREEN

NGAYONG SABADO

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH

SAM TROSTLE

SAMUEL TROSTLE

WAGAS

WINWYN MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with