As far as she is concerned, according to Angel Locsin, malayong mag-aasawa siya this year. Bagama’t inaamin niyang madalas na nilang napag-uusapan ni Luis (Manzano) ang pagpapakasal.
But she knows as well, pag-ayon ni Angel sa kasabihang, marriage comes like a thief in the night, na posible ngang magaÂnap ang pagpapakasal ng ‘di nila inaasahan.
Pero sa totoo lang, ani Angel, type daw talaga nila ni Luis na makapag-ipon pa nang husto, para sa kinabukasan nilang dalawa at magiging pamilya.
On her part, lalo na daw, wish niya talaga ay may maiwanan siya, kumbaga, para sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang daddy, para manitiling maluwag ang pamumuhay nito.
At her age, kahit daw ang daddy at nakatatandang kapatid niyang si Ella, ay naniniwalang high time na siyang mag-asawa. And wala siyang kadudadudang she has found the right man for her sa katauhan nga ni Luis.
That their love for each other have grown even more intensely the second time around is a given. But what makes Angel happier daw is knowing that in case the two of them decide na nga to marry, their respective family will be happy for them.
On the taping ng mismong The Legal Wife last Tuesday (which was the birthday of Angel, April 23), nang dumating si Luis to personally greet Angel a happy birthday. He told the friends surrounding his lady love na biniro raw niya ang kanyang Mommy (Batangas Governor Vilma Santos), who arrived Sunday with his Tito Ralph (Recto, the Senator) and younger brother Ryan mula sa two-week U.S. vacation, na itinaon nito ang pagdating sa birthday ni Angel.
Luis has no idea daw what his mom’s birthday gift is. Pero, ang pasalubong daw and at the same gift nito sa kanya ay isang pair of converse shoes.
Angel nagpakain ng inihaw na manok at halU-halo sa 300 na katrabaho
Speaking of Angel, for her birthday celebration sa set mismo ng The Legal Wife, where she plays the title role, she served to the more than 300 or so present, pack of Mang Inasal meals, kung saan ay sinabi niyang treat sa kanya ng management ng naturang produktong ini-endorse niya.
May kasama pa raw itong halu-halo, which is another product na ipinagmamalaki ng Mang Inasal at ni Angel din, bilang dessert.
Kaya, labis labis daw ang pasasalamat niya sa management ng Mang Inasal. Supreme din daw ang itinaas ng rating ng series, kaya happy silang mga stars ng The Legal Wife, not to say its stars ang production crew as well.
Produced by Business Unit heads Malou Santos at Des Tanwangco, The Legal Wife stars, aside from Angel, Jericho Rosales, Maja Salvador, JC de Vera, Rio Locsin, Maribel Lopez, Arron Villena, Johan Santos, Joem Bascon at Christopher de Leon.
Maribel damang-dama ang istorya ng mga babaeng kinaliwa ng mga mister
Of the Legal Wife, Maribel Lopez, who plays Jericho’s Mom, describes her role as prolific, as she supposedly has three children in the series, fathered by three men, expected daw na magiging top-rater ito.
“Marami kasi sa mga viewers, mapa-babae at lalaki ang makaka-identify at makaka-relate sa istoryang tinatalakay. Lalo na sa mga characters involved, as they probably see themselves in most of them,†ani Maribel.
Maribel, a former beauty queen, describes, lalo na ang role ni Jericho as Adrian, na kahit na mahal na mahal ang asawang si Monica (Angel), ay natukso pa ring mangaliwa na true daw with 95% of married men. Likas daw kasi sa mga ito ang pagiging flirt, philanderer.
At hindi na niya kailangang ipaliwanag kung bakit.
Maribel is now hiwalay sa asawang isang Hapones.
Excuse na lang natin siya, Salve A, na sabihin na nga ang reason why.