Pagkaka-suspinde kay Sec. Roxas hindi pinalampas ng ABS-CBN

Hindi totoo ang bintang na hindi naglabas ng news ang ABS-CBN tungkol sa dalawang buwan na suspension ni DILG Sec. Mar Ro­xas bilang member ng Wack Wack Golf and Country Club.

In fairness sa ABS-CBN, inilabas nila ang balita tungkol sa naging desisyon ng board of directors ng Wack Wack Golf and Country Club. Ibinalita sa website ng ABS-CBN ang suspension  kay Papa Mar dahil sa isyu ng pagmumura niya sa mga empleyado ng  country club noong first week ng April.

Noong March 2008 ang huling pagkakataon na yumapak ako sa country club ng Wack Wack dahil dito ginanap ang birthday celebration ni Rudy Fernandez, Memorable sa akin ang insidente dahil ’yon ang huling birthday ni Daboy na pumanaw noong June 7, 2008. Since then, hindi na ako tumuntong sa Wack Wack Golf and Country Club.

Online encyclopedia ni Bong sinadyang mali-maliin ng kanyang mga kaaway

May sumasabotahe kay Senator Bong Revilla, Jr. Dahil pinaglaruan ang mga impormasyon tungkol sa kanya na nakalagay sa isang online encyclopedia.

Halatang-halata na inokray si Bong dahil grammatically wrong ang mga nakasulat sa online encyclopedia na tinutukoy ko.

Ipararating ko kay Bong ang discovery ko para maayos ito or else, baka isipin na talagang ’yon ang inilagay ng tao na responsable sa mga kapalpakan na nabasa ko.

Winwyn na in love sa ka-chat

Ngayong gabi, 7 p.m. ang airing sa Wagas ng GMA News TV ng love story nina Joreen at Sam Trostle.                                   

Sa panahon ngayon, maraming friendhips at pag-iibigan ang nabubuo sa Internet sa pama­ma­gitan ng chat, email, at social media. 

Pinagbibidahan ni Winwyn Marquez at ng Eat Bulaga My Foreignoy grand winner na si Gui Adorno ang masaya at nakakaantig na kuwento ng  pag-iibigan ng mag-asawang Joreen at Sam Trostle. 

Hindi akalain ni Joreen na ang pagpo-post niya ng litrato sa isang website ang magiging daan para makilala niya si Sam, ang matangkad at guwapo na U.S. Navy.

NBSB or “No Boyfriend Since Birth” si Joreen at mababa ang self-esteem niya lalo na sa pag-ibig. Naranasan niya ang mga pangu­ngutya  dahil sa pagiging maitim at pagkakaroon ng kulot na buhok.

Inisip ni Joreen na hindi naman siya seseryosohin ni Samuel kaya hindi niya masyadong pinansin ang Amerikano na gandang-ganda naman pala sa kanya.

Pagkalipas ng ilang taon, may malaking dagok na nangyari sa buhay ni Joreen, pati na rin kay Samuel. Ang mga pagsubok na ito ang naging dahilan para muli nilang matagpuan ang isa’t isa at ipagpatuloy ang naudlot na relasyon.

Carla tiyak na magigisa

Ngayon ang presscon ng So It’s You. Haharap sa entertainment press sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ang mga bida ng bagong pelikula ng Regal Entertainment Inc.

Mabuti na lang, may movie project na pinagkaabalahan ang dalawa dahil six months na ang nakakalipas mula nang mag-goodbye sa ere ang kanilang teleserye sa GMA 7.

May balita na pagsasamahin uli ng GMA 7 sina Tom at Dennis Trillo sa isang drama series  pero hindi pa ito confirmed. Puro mga regional show at TV guestings pa lang ang pinagkakaabalahan nina Dennis at Tom.

Hindi pa rin nabibigyan si Carla ng bagong tele­serye, pagkatapos ng My Husband’s Lover. Dapat nang maging busy si Carla para maka-recover na siya nang tuluyan sa break up nila ni Geoff Eigenmann.

Show comments