Totoo kayang hindi satisfied ang isang network sa rating ng kanilang afternoon soap kaya ibinaba nila ang timeslot ng isang soap nila na mataas ang rating hoping na ang mga viewers nito ay itutuloy ang panonood sa kasunod na teleserye? Pero wala ring nangyari, dahil kahit mataas ang rating ng unang soap nawawala na ang viewers kapag natapos na ito at balik sa dating mababang rating ang said teleserye.
Fans bawal sa taping ng Be Careful...
Kahapon over our Easter Sunday lunch, naikuwento ng pamangkin namin from Tanauan, Batangas, na before Holy Week, three days nag-taping sa St. Francis Cabrini Medical Center doon ang Be Careful With My Heart kaya tanong namin sa kanya, kung doon ba kinunan ang panganganak ni Maya (Jodi Sta. Maria)? Hindi raw niya alam dahil mahigpit daw ang production kaya hindi niya alam kung anong eksena ang kinunan.
Hindi rin daw allowed ang magpa-picture sa cast pero after naman ng taping at pack-up na, pwede na silang kunan ng picture o magpa-selfie sa kanila.
Raymond gustong magtayong Yoga center
Tatlong beses na raw siyang binabasted ni Marian Rivera, nagbibirong wika ni Raymond Bagatsing sa tanong ng mga entertainment press sa taping ng Carmela, kung sinagot na ba siya ni Marian? Sa story kasi ng drama series, in love siya kay Marian as Carmela at kahit ilang beses na siyang sinaktan ng brother-in-law niyang si Fernando (Roi Vinzon) dahil obsessed din ito kay Carmela at aagawin niya sa pamangking si Yago (Alden Richards), hindi siya susuko. Nag-spoiler pa nga si Raymond kung ano ang mangÂyayari sa story this week, pero baka raw mabago pa kaya huwag muna naming isulat.
Bukod sa mga TV and movie projects na ginagawa ni Raymond, balak niyang magtayo ng Yoga school dito dahil iyon daw ang nakakatulong sa kanya para manatiling maganda at malakas ang pangangatawan.
Marian sunud-sunod ang natatanggap na donasyon
Nagpasalamat ang Kapuso Adopt-A-Bangka project na pinangungunahan ni Marian Rivera sa malaking donasyon ( P500,000) ni Congressman Ronald Singson and his Fearless Productions. Masayang-masaya si Marian na tinanggap ang donasyon bago sila umalis ni Dingdong for Kyoto, Japan.
Ibinalita rin niyang may mga tinanggap pa siyang cash donations mula sa APT Productions, sa mga DongYan fans at ilan pang private citizens, kaya sa next wave raw ng pagdadala muli nila ng donasyon sa Cebu Bantayan Island, na kaagapay nila sa proyekto, hopefully sa kanyang birthday sa August, makapag-donate na sila ng around 300 bancas, na kailangan pa rin ng mga fishermen doon para tuluyan na silang makaahon mula sa pananalanta ng bagyong Yolanda last November.
Nauna na silang nakapamahagi sa mga taga-Bantayan Island ng 100 bangka.