Marian diet muna sa karne!

Pritong isda at ginataang langka ang kinakain ni Marian Rivera sa lunch nang abutan namin sa taping ng drama series nilang Carmela, kasama sina Direk Dominic Zapata, Eva Darren, at Jennica Garcia.  Hindi rin ba siya kumakain ng meat kapag Holy Week tulad ng tradisyon ng mga Katoliko?

“Minsan lamang po namang dumarating ang Holy Week, kaya fish na lamang muna,” nakangiting wika ni Marian.  “Lumaki ako sa lola kaya sumusunod kami sa tradisyon.  Noong araw, simbahan at bahay lamang kami ni lola, naranasan ko ring mag-Visita Iglesia tuwing Holy Thursday at bumasa ng Pasyon.  Pero nababago na rin ang tradisyon, simula nang mag-artista ako, ang hindi ko kinalilimutan ay ang pagsisimba, kahit hindi naman Holy Week, naging ugali na namin ni Dingdong (Dantes) na magsimba.”

Ano ang dinarasal niya ‘pag nagsisimba para sa kanyang sarili?

“Tuwi po akong magdarasal, laging nauuna ang pasasalamat ko, sa mga blessings na dumarating sa akin, sa pamilya ko, sa pag-ibig ko.  Pasasalamat dahil masaya ang buhay ko.  Kahit sa inyo, labis-labis ang pasasalamat ko sa malaking tulong ninyo sa akin.”

Dumating ba sa buhay niya na nagalit siya sa Diyos o sinumbatan niya ang Diyos?

 â€œHindi po, never kong sinumbatan ang Diyos, if ever pong may problemang dumating, iniisip ko na lamang may dahilan at dasal ko, sana maintindihan ko kung bakit. Pero lagi pong nasa tabi ko naman si mama, si lola, si papa (na araw-araw kong kausap), si Dong at si Tatay (Tony Tuviera), si Ateng (Rams David) ng Triple A Productions, sila ang nakikinig sa akin kapag may inilapit akong problema sa kanila.  At ako naman sa pansarili ko, hindi na po ako humihingi, tinatanggap ko na lamang kung ano ang ibibigay sa akin at pagtatrabahuhan ko iyon.  At ang reward na lamang sa akin, iyong kapag may pagkakataon, nakakabiyahe naman ako, of course kasama si Dong.

So, tamang-tama kay Marian ang pagtanggap niya ng Lenten special ng APT Entertainment, ang Panalangin na mapapanood sa Sabado de Gloria, April 19 sa GMA 7 at 7:30 p.m., sa direksyon ni Mike Tuviera.

Ngayong Maundy Thursday ang alis nina Dingdong at Marian for a four-day Holy Week vacation to Kyoto, Japan.

Show comments