^

Pang Movies

Nalosyang ang hitsura, starlet naanakan ng sportsman?

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Suspetsa ng fans, nagkaanak ang sexy starlet noong nagka-affair siya sa isang sikat na sportsman/playboy. Of course married ang guy, kaya tagung-tago ang kanilang illicit affair.

Ngayon ay nakikita sa mall ang starlet na bundat pa ang looks. Tipong galing sa panganganak at nag-aalaga pa ng baby. Ang gusto nilang malaman ay kung humiwalay na ang artista sa pabling.

Marami pa kasing mga rich bachelors ang malaki ang kursunada sa magandang starlet.

Mga demanda kay Vhong magandang publicity sa kanyang pelikula

Bakit kaya ayaw pang tumigil ang mga nagpapara­tang ng rape kay Vhong Navarro. After Denise Cor­nejo, may mahihita pa kaya ang mga accusers ng komed­yante?

Okay lang na mag-ingay pa kayo, habang may bagong pelikula si Vhong. Makakatulong sa public inte­rest at baka maging box-office star pa siya, tulad ni Vice Ganda.

Kris at Herbert gumagawa ng malalaking headline

 â€˜â€˜Kris at Mayor Herbert Bautista, ikakasal sa Malacañang”

That’s the height of romantic-fantasy! Ano naman kaya ang title ng pelikula? Sino ang director at producer?

‘Gayak’, kasali sa Buffalo Filmfest

Ang Gayak ni Roni Bertubin ay kalahok sa Buffalo Niagara Film Festival sa New York. Ipapalabas ito sa May sa Market Arcade Film and Arts Center sa Buffalo.

Say ng mga kritiko, malaki ang chance ng Gayak na magwagi ng award sa nasabing festival. Good luck!

Kitang-kita sa aura, Jericho alagang-alaga ng girlfriend

Ano kaya ang sikreto ni Jericho Rosales na gising na gising pa sa taping ng The Legal Wife, habang ang staff ng show ay mukhang mga zombie na?

Simple lang. Matulog kung tapos na ang trabaho. Umuwi agad ng bahay kung pack up na ang taping. Iwasan ang paglilimayon sa gabi, para ma-conserve ang energy sa katawan. Iba talaga kapag may nag-aalaga na, tulad ni Jericho.

Mga obra ni direk Chito umaariba sa Italian film festival

Kalahok sa Udine Far East Film Festival, Italy ang dalawang pelikula ni Chito Roño, ang multi-awarded indie na Badil at ang E.R. Ejercito starrer na Shoot to Kill: Boy Golden. Apat pang mga Pinoy films ang pasok sa competition proper.

Malakas ang kutob ng kumare ko na magwawaging best actor ang gobernardor ng Laguna sa Udine. Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Hindi ko naman kasi napanood ang ibang kasali sa best actor derby.

Maraming artista, relihiyoso rin!

Maraming mga sikat na celebrities ang regular na Bible readers. Majority sa kanila, sa mga exclusive school kasi nag-aral, tulad ni Jose Mari Chan. Ang iba naman active members ng mga religious groups tulad ni Christopher De Leon.

Meron naman kailan lang na-discover ang pagbabasa ng Bibliya, tulad ni Kim Atienza noong napasok siya sa ICU last year.

Meron din naman tayong mga artista na leaders ng mga grupo tulad ni Coney Reyes, na aktibo pati sa hosting ng mga religious TV shows.

Institute para sa paggawa ng pelikula, itinayo

Nagsanib-puwersa ang Film Development Council of the Philippine (FDCP) at isang pribadong kompanya para itayo ang Reality Film Lab. Malaki ang maitutulong nito sa industriya, pati na sa mga bagong filmma­kers.

Sa lab, mabibigyan sila ng pagkakataong malaman ang mga wastong hakbang sa pagbuo ng pelikula o mga TV shows.

AFTER DENISE COR

ANG GAYAK

ANO

CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with